TWENTY-EIGHT "NAKAKATUWA sila tingnan o," sabi ni Dana habang nakatingin kay Railey at Miggy na nasa kiddie pool. Hindi nagkomento si Rasha. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa nakikita niya. Kasalukuyang tinuturuan ng binata si Miggy na lumangoy at sa tuwing ikakawag ng huli ang mga paa ay sumasabog ang tubig sa mukha ni Railey. Minsan pa ay nasisipa ito sa mukha. Tumatawa si Dana sa tuwing nakikita 'yon samantalang siya ay nanatiling poker faced. She can't find her emotions while looking at him. Wala siyang naramdamang saya nang una niya itong makita pero kanina lang ay may kakaiba siyang naramdaman nang yakapin siya nito. Kailan ba niya ito huling nakita? Oo nga pala at pagkatapos niya itong ipanganak ay ipinadala na niya ito sa mga magulang sa States. Kahit man lang tingnan ito n

