TWENTY-NINE "I'M GLAD na tanggap mo na siya bilang anak mo." Napalingon si Rasha sa ina nang marinig ang boses nito at pumasok ito sa silid niya. Inilagay nito sa balikat niya ang kamay nito. "Mahirap ipaliwanag, Ma, pero tanggap ko na siya noong una ko pa lang siyang makita. Natatabunan lang siguro ng galit ko sa ama niya kaya hindi ko agad 'yon nakita." Hinaplos niyang muli ang buhok ng natutulog na si Miggy. "Pero ngayon, gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong ibigay sa kanya ang mga bagay na hindi ko naibigay noon. Lalo na ang pagmamahal ko bilang isang ina." Litanya niya at kasabay no'n ang pagpatak ng isang butil ng luha galing sa mata niya. "Kung gano'n tuloy na ba ang kaarawan niya sa susunod na linggo?" Tanong ng Mama niya at umupo sa tabi niya sa gilid ng kama. Humarap siya

