EIGHTEEN "DIANA, nakita mo ba si Dana?" Tanong ni Rasha sa Manager nang makaupo siya sa mesa nila. May usapan kasi sila ng kaibigan na sabay silang kakain ng lunch pero simula nang umalis ito sa opisina kaninang umaga ay hindi na niya nakita ang anino nito. Kasalukuyang isine-serve ang tanghalian niya at si Fatima ang naglalagay sa mesa. "Nakita ko po sila ni Sir Theo kanina na paalis. Seryoso po ang mga mukha nila. Mukhang may pag-uusapan na importante," saad nito. Napaisip siya sa sinabi nito pero hindi na siya nagsalita pa hanggang sa mai-serve lahat ng pagkain at maiwan siyang mag-isa. Kinuha niya ang cellphone na nasa mesa at nagtipa ng message para kay Dana. Ilang segundo lang ay narinig na niyang nag-vibrate ang cell phone at nabasa niya ang text nito. Nagso-sorry ito dahil hin

