Hands On

1556 Words
KABANATA 6. IKALAWANG araw ng pagiging hands on ni Rasha sa resort. Gumising siya ng maaga, naligo, at nagpunta na siya ng resort. Tinawagan niya si Dana kagabi para sabihin na mag-extend ito ng day off dahil naging maganda ang unang araw ng pamamahala at sa tingin niya Magat tuloy-tuloy 'yon. Tuwang-tuwa na naman ang kaibigan niya and at the same time ay todo bilin ito na kung hindi niya kaya ay tumawag siya ng back up. May isa pa itong sinabi na nakapag-patawa sa kanya. "If anything happens tawagan mo si Railey ha?" Kahit hindi naman nakikita ng kaibigan ay napakunot-noo siya. "Bakit naman siya ang tatawagan ko?" May mga security naman na nakakalat sa resort. Hindi na niya isinatinig 'yon. "Para naman may magawa siya. Hindi rin biro 'yong free stay niya diyan no!" Kahit hindi niya nakikita alam niyang nakataas ang kilay nito. Napailing siya at bahagyang natawa. "Hindi naman ako naniningil, ano?! After all, nobya niya daw ang dating may-ari nito. He can stay here for as long as he wants. Basta 'wag na niya ulit kukunin ang master's bedroom sa'kin," saad niya. "O, sige. Kung may gagawin siya sa'yo sabihin mo lang sa'kin ha? Papapuntahin ko diyan si Tatay para hulihin 'yan," may pagbabanta na sabi nito. Pulis ang ama ni Dana at malapit lang ang presinto sa resort niya. Isang tawag niya lang ay agad itong pupunta. "Opo, Ate!" At doon natapos ang usapan nila. Sa tingin niya ay harmless naman si Railey. Napagtaasan siya nito ng boses noong una pero tingin niya hanggang doon lang 'yon. Speaking of... Nakita niya si Railey na papasok ng restaurant. Mukhang may hinahanap ito. Mauupuan siguro dahil kahit umaga pa lang ay halos mapuno na ang restaurant dahil sa mga nag-aalmusal na guests. Hindi naman nag-aalala ang dalaga na mawawalan siya ng pwesto dahil meron siyang sariling table na isine-set up ng mga crew kung halimbawang doon niya maisipang kumain. Nasa corner 'yon kung saan madalang ang nagagawing customer at tanaw niya ang dagat. "Pwedeng makaupo?" Napaangat ang tingin niya at nakita niya ang nakangiting mukha ni Railey. Bitbit nito ang tray na may laman na pagkain. "Sure. Go ahead," sabi niya at inilahad ang katapat niyang silya. "Where's Dana? Akala ko babalik din siya ngayong araw?" Tanong nito pagkaraan. Saglit siyang napasulyap dito at hindi sinasadyang nakita niya ang pagbasa nito sa labi gamit ang dila. He has that thin lips that doesn't look normal to a guy like him. But she finds it...attractive. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Kinuha niya ang baso ng tubig at ininom 'yon. "Akin 'yan," turo ng binata sa basong hawak niya. Napatingin siya sa hawak at sa basong nasa kanan niya na nasa mesa. "Oh, sorry!" Nahihiyang ibinalik niya ang baso nito na wala na palang laman. "Magpapakuha na lang ako ng tubig sa crew. Pasensya na," gusto niyang batukan ang sarili dahil sa sunod-sunod na kahihiyan na ginawa niya. Bahagya naman itong natawa at waring aliw na aliw sa reaksyon niya. Lalo tuloy siyang tinubuan ng hiya. Kasalanan 'yon ng labi nito na parang masarap halikan... 'Halikan talaga?' sabi ng isang bahagi ng isip niya. "'Yong tinatanong ko hindi mo na sinagot?" Untag nito. "Ha? Ah, oo. Isang linggo na ang ibinigay kong day off kay Dana para naman matutukan niya ang renovation ng bahay nila. At para makapag-bonding na rin sila ng pamilya niya. She has been my good companion kaya deserve niya naman siguro na bigyan ng mahabang pahinga," Tumango-tango si Railey sa sinabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Nasaan nga pala ang kaibigan mong si Theo?" Tanong niya para may mapag-usapan sila at hindi magkaroon ng awkwardness sa pagitan nila. O siya lang ang nakakaramdam no'n? "May asikasuhin daw sa San Pablo," kibit-balikat nitong turan. "Sa San Pablo nakatira si Dana. Baka magkita sila doon." But she doubt it dahil malaki ang San Pablo. Hindi sumagot ang binata at tinapos na ang pagkain. Iniwasan niyang mapatingin sa labi nito nang punasan nito 'yon ng table napkin. "Sabihin mo kay Dana mag-ingat sa mokong na 'yon dahil babaero 'yon," saad nito at kinuha ang tubig niya at diretsong ininom 'yon. Nakita niya pang lumapat ang labi nito sa labi ng baso kung saan may bakas ng lipstick niya. That's an indirect kiss! "Bakit mo ininom 'yan? 'Di ba sabi ko magpapakuha na lang ako?" Inagaw niya ang baso dito at pinunasan ng table napkin. "Bakit? Anong problema? Tubig din naman 'yan a," balewalang sagot nito at maang na tinitigan siya nang ilapag niya sa mesa ang baso. "May nakakahawa  ka bang sakit? O ayaw mo na may ibang gumagamit ng gamit mo?" Dagdag pa nito. "What? No! Ayoko lang may gumagamit ng gamit ko," 'yon na lang ang sinabi niya para hindi na ito magtanong pa. Nuncang sabihin niya dito na nag-indirect kiss na sila. "SIge, alis na muna ako. Tutulungan ko si Mang Tony, mag-ayos ng bangka niya," tumayo na ito at naghanda nang umalis nang titigan siya nito."Ang sarap ng labi mo lasang cherry..." Tudyo nito at tatawa-tawang umalis. Naiwan siyang namumula sa hiya. So alam niya? Sa isipin na 'yon ay tinakpan niya ang mukha ng menu at impit na tumili. Kinikilig siya and at the same time hiyang-hiya. Sa sinabi nito parang totoong nalasahan na nito ang labi niya. "Miss Rasha, ito na po 'yong monthly report at inventory na hinhingi niyo," untag sa kanya ng Manager niya. Tinanggal niya ang nakatakip sa mukha at parang timang na kinuha ang mga papel na iniaabot ng babae. "Salamat," aniya. RAMDAM ni Dana ang sasakyan na kanina pa bumubuntot sa kanya. Galing siya sa bakery at bumili ng meryenda para sa mga trabahador nila. Pauwi na siya. Sinusubukan niya naman sulyapan kung sino 'yon pero hindi niya makita ng maayos dahil hindi siya pwedeng magpahalata na alam niya. Basta ang alam niya convertible ang sasakyan nito. Hindi kaya ng peripheral niya na aninagin ang mukha ng kung sino mang herodes 'yon. Baka mamaya ay sindikato 'yon na nangunguha ng mga babae na ibebenta sa casa. Alam naman niyang hindi siya gano'n ka-sexy sa vital statistics niyang 36-28-36, pero may mga tao naman na gusto 'yong malalaman ano! Hindi ka dapat matakot Dana! Ano pa at naging ka-apelyido mo si Emilio Jacinto kung hindi ka matapang?! Tama! Gugulatin niya ang sino man na poncio pilato'ng 'to! Huminga siya ng malalim at inihanda ang sarili na humarap sa sasakyan na hanggang ngayon ay nakabuntot pa rin. Tamang-tama ang dala niyang bote ng soft drinks. "1, 2, 3..." Malakas niyang ibinagsak ang bote ng soft drinks sa ibabaw ng convertible at handa na sanang talakan ang lulan no'n nang makilala kung sino 'yon. "Ikaw?!" Gulat na tanong niya kay Theo. Imbes na pansinin siya ay hindi maipinta ang mukha nito na bumaba ng sasakyan at tiningnan ang parte na binagsakan ng bote. "What did...you do?!" Halos lumabas ang mga litid nito sa leeg dahil sa pagpipigil ng galit. Iniangat niya ang bote at nakita niya na may jaunting dents ang sasakyan. Kaunti lang naman... Bakit sa hitsura nito ay parang manlalamon na ito ng buhay? "G-gasgas lang naman a. I'm sure kayang-kaya mong ipaayos 'yan," palusot niya pero kung sakaling magwala ito ay handa na siyang tumakbo. "Brand new and latest model ito. Ako pa lang ang meron nito sa Pilipinas," nagngangalit ang bagang na sabi nito. "P-pasensya! Para ka kasing asong nakabuntot. Akala ko sindikato ka at dudukutin mo 'ko!" Paliwanag na niya. Sa bagay na 'yon nagsasabi siya ng totoo at hindi nagpapalusot lang. Oo, unang tingin pa lang niya alam niyang bago lang 'yon. Pero hindi naman niya akalain na latest model ito. Wala naman kasi siyang alam sa mga sasakyan. Nakita niyang napahilamos ito ng mukha kaya sinamantala na niya ang pagkakataon at tumakbo. Narinig niya pa ang pagtawag nito sa pangalan niya pero nagbingi-bingihan na siya. Hinihingal siyang nakarating sa bahay nila at sinalubong siya ni Tonyo. Ang kababata niya. Kinuha itong bayani ng Tatay niyo o labor na walang bayad ang ibig ssabihin para tumulong sa pagre-renovate ng bahay. "Bakit ka nagmamadali? Hinahabol ka ba ng aso?" Kunot ang makapal na kilay na tanong nito. Humilata siya sa sofa para magpahinga. "Oo, hinahabol ako ng K9," saad niya. "Ha? Pa'no magkakaroon ng k9 dito sa'tin? May kasama bang sundalo?" Lalo pang lumalim ang gatla sa noo nito. Inabutan siya nito ng tubig na malamig at ininom niya naman agad 'yon. "Hindi ko din alam kung pa'no ako natunton no'n." Tumayo siya at dinukot ang cell phone niya na nakalagay sa bulsa ng suot na jogging pants. Nag-search siya sa internet ng convertible. Tanda naman niya ang hitsura ng sasakyan ni Theo kaya alam niyang makikita niya 'yon kahit hindi niya alam ang model. Isa pa ay sinabi nito na latest release 'yon. "Jaguar F-Type convertible." Basa niya sa pangalan ng sasakyan. Hinanap niya ang presyo no'n at halos manlaki ang mata niya nang makita 'yon. Halos mapamura siya dahil ang presyo no'n ay kaya na siyang bigyan ng house and lot at negosyo package. Daig pa niya ang nanalo sa pera o kahon na game show ni Willie Revillame. "Hindi ko naman pala siya masisi sa naging reaksyon niya. May dapat naman palang ikagalit." Pagkausap niya sa sarili at sukat sa naisip ay napakagat labi siya. Parang hindi niya kakayanin na bumalik ng resort dahil siguradong naroon ito at hinihintay siya para pagbayarin. Nagpalakad-lakad siya sa maliit nilang bakuran at nag-iisip ng pwede niyang gawin kung sakaling bumalik na siya sa resort at makaharap niya ito. "s**t! Wala akong maisip!" Ginulo niya ang bangs at nagdadabog na pumasok sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD