THIRTY-TWO "SAAN NGA pala tayo pupunta?" Untag ni Railey sa dalaga na nagmamaneho. Saglit siya nitong sinulyapan at muling ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sa psychiatrist ko," tipid na sagot nito. Wala sa loob na napatitig siya dito. Bakit nang sabihin nito ang salitang psychiatrist ay parang kaswal lang dito? Samantalang 'yong iba ang tingin sa mga napunta sa psychiatrist ay baliw. "Alam mo hindi ko ikinakahiyang nagpupunta ako sa doktor sa isip," sabi nito na para bang nabasa ang nasa isip niya. "Kung tutuusin kasi wala naman dapat ikahiya. Isa pa, hindi naman lahat ng nagpupunta sa psychiatrist ay baliw," dagdag pa nito. Hindi siya umimik at nanatili lang nakikinig. May punto ito. "Do you want to know how I ended up consulting Dra. Cristobal?" Tanong nito at muling sumulyap sa

