When I want something, I will get it, no matter how hard it will be. I will endure it. Third Person's Point of View "GIVE HIM BACK. Give Kreios back!" Umalulong sila Garmr at Hellhound nang sumigaw si Hel kay Spade. Wala man kay Hel ang puso niya pero tila ba may nag iisang pakiramdam ang makikita mo sa mga mata niya. Determinasyon. Determinado si Hel na bawiin si Kreios kay Spade at iligtas ang mga taong binabalak na saktan ni Spade. Ang seryosong mukha ni Spade kanina ay napalitan muli ng sarkastikong ekspresyon. Hindi nito maipaliwanag pero natutuwa siya sa ginagawa ni Hel. Samantalang, gusto mang tumulong nila Loki at ng iba kay Hel pero alam nila na magiging pabigat lamang sila sa dalaga kaya naman ay hinayaan nalang nila na si Hel ang humarap kay Spade habang sila ay humahanap n

