No matter how hard and impossible saving you, I will still strive and put effort to save you. Because you saved me, too. Third Person's Point of View "HEL..." pagbanggit ni Spade sa pangalan ni Hel nang makita ni Hel ito sa harap niya. Tumingin tingin pa si Spade sa kanyang kapaligiran. Kinakabahan man si Hel at kinikilabutan sa nakikita niya ngayon ay hindi pa rin siya nagpasindak at nagbigay ng kahit na anong ekspresyon. "Sino sa inyo si Hel?" Nagkatinginan sila Hel sa narinig. Hindi alam ni Spade kung sino sa kanila si Hel. Napakunot ang noo ni Hel. Hindi niya malaman ang rason bakit siya hinahanap ni Spade gayong hindi naman sila magkakilalang dalawa at hindi na si Kreios ang nasa harapan nila ngayon kung hindi isang halimaw na handang sirain ang mga mundo nila. "I-Ikaw si Spade?"

