Let your questions remain unanswered. The less you know, the better. Theo's Point of View "ANONG NANGYARI? Bakit?" Nagtataka ako na makikipag away si Kreios. Siya kasi iyong tipo na hindi basta basta nakikisangkot sa gulo o nakikipag away sa iba lalo na kung wala namang malalim na dahilan. "Hindi ko rin alam ang dahilan. Nasa may cafeteria silang dalawa. Kapag hindi pa tayo pumunta roon at pinigilan sila, malamang mawawasak ang cafeteria mamaya." Tumingin ako kay Hel. Wala na ang atensyon niya sa amin at nakatigin na siyang muli sa maliit na lawa ng school. Gusto ko sana siyang isama dahil alam ko na makakaya niyang pigilan iyong dalawa kaya lang ayoko rin naman siyang piliting gawin iyong ayaw niya. "Hel," pero sa tingin ko mas magiging malaki ang chance na mapigilan sila Kreios kung

