Silence those people who choose to betray and left you with an astonishing comeback. Theo's Point of View "I'M HEL." Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Siya si Hel? Tila isang panaginip ang aking narinig. Ilang buwan din siyang nawala at halos mawalan na ako ng pag asa na makita siyang muli. Ni walang balita sa nangyari sa kanya o sa kung nasaan siya tapos ngayon, naandito na siya sa harapan naming lahat. "Rank 1." Napangiti ako sa narinig. Masaya ako na nakabalik siya at masaya ako na muli siyang bumalik to prove herself. Noon pa man ay hanga na ako kay Hel. Alam ko naman kasi na hindi lang siya basta basta. Masasabi ko man na ibang iba ang itsura ng Hel na nakilala ko noon sa Hel na nasa harapan namin ngayon, nararamdaman ko pa rin na silang dalawa ay iisa. Malakas nag kutob ko

