He saved me and I'm grateful for that. But saving my life isn't free, there's a consequence. Kreios' Point of View "Kreios," Kilala ko ang boses na ito. Kilalang kilala ko. "Kreios..." Sa kalagitnaan ng madilim na paligid ay nakakita ako ng isang babae. "Please, save me." "HEL!" Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko. Hinihingal akong napabangon sa kinahihigaan ko. Pinagpapawisan rin ako ng malamig at malakas ang kabog ng aking dibdib. Iginala ko ang aking mga mata at napansing madilim pa rin ang kapaligiran. Hating gabi palang ata. Tiningnan ko rin si Theo na kasalukuyang mahimbing ang pagkakatulog. Nakahinga ako ng malalim na malamang hindi ko siya nagising sa pagsigaw ko. Hindi ako maaaring magkamali. Alam ko na si Hel ang nakita ko sa panaginip ko. Alam kong pagmamay ari ni

