When someone became part of your life, even when you hate them, you'll be going to miss them when they're gone. Bellona's Point of View HINDI ko pa ulit nakikita si Hel simula kahapon. Sayang, gusto ko pa naman sana siyang inisin at sirain ang araw niya. Napabaling ang tingin ko kay Kreios. Nadismaya ako sa nakita ko. Tulala na naman siya at tila wala sa sarili. Lagi kaming magkasamang dalawa pero para bang hindi ko siya kasama. Alam kong hindi siya masaya. Pakiramdam ko ay nasa ibang lugar ang isip niya. "Kreios," hindi ako nilingon ni Kreios. Halatang hindi niya narinig ang pagtawag ko sa kanya. Madalas ay nararamdaman kong hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ko. Lumilipad ang isip niya. Ewan ko ba kung bakit siya nagkakaganito. "Kreios!" May diin sa pagtawag ko sa pangalan niya. N

