When you have been lying to yourself and to those people around you just to protect the people you love. NANG kumalma na ako ay agad akong bumitaw mula sa pagkakayakap ni Kreios. Hindi dapat ako nagsi-seek ng comfort sa kanya o sa kahit na kanino. Nalagpasan ko na ito dati, makakaya ko ulit ngayon. "Okay ka na ba? Okay lang naman umiyak nang umiyak hanggang mailabas mo lahat. Hindi man iyon ang permanent solusyon pero mapapagaan 'non ang nararamdaman mo." Dumistansya ako sa kanya. Hindi siya pwedeng maging mabait sa akin. Hindi siya dapat ganito. Hindi niya ba nakikita na magkaaway kami? Hangga't sinisira niya ako at si Bellona, we can't be like this. "I'm fine." Tumango siya sa sagot ko bago ako talikuran at akmang aalis na. "If you're okay then there's no reason to stay here. I'll go

