Be careful about who you tell your secrets. There's a tendency that they will use it against you and drag you down. "ANO bang gusto mong mangyari, Hel? Gusto mo ng laban?" Matapang na hamon ni Bellona sa akin. Napatingin ako kila Dalia, napansin ko na para bang gusto nilang pumagitna sa amin para pigilan kami sa pagtatalo namin pero umiling ako sa kanila. Muli kong tiningnan si Bellona. Hahayaan ko muna siguro siya sa kung anong gusto niyang gawin. Pagbibigyan ko siyang magtapang tapangan total hanggang salita lang din naman siya. "Don't take me too lightly, Bellona. Hindi ko sasayangin ang oras ko. Alam naman natin kung paano magtatapos ang laban hindi ba?" Tumalikod na ako pero hindi pa rin ako naglakad papalayo. "I will not give you the fight you want but I will give you the attentio

