When a person dies, the only thing you can do for them is to pray for their soul. You can cry and mourn but that won't bring them back to life. NANG malaman namin ang balitang may mga namatay sa kabilang klase ay agad kaming pumunta roon. Naabutan namin ang iilang estudyanteng duguan at nakahalandusay sa sahig at mga mukhang walang buhay na. May ilan din akong nakitang umiiyak habang sugatan. "Please, do something. Buhayin niyo sila." Humahagugol na pagmamakaawa ng isa sa mga estudyante na naandito. Bakas sa mukha niya ang takot at pag aalala para sa mga kasama. "Sorry pero wala kaming magagawa. Gustuhin man namin ibalik ang mga buhay na nawala sa kanila pero hindi maaari. It's prohibited to revive the dead." Sabi ng isang upper class na tumutulong sa mga sugatan. Naglibot libot lamang

