Nomi’s PoV HINDI ko namalayan ang oras habang nasa opisina ako. Nakaidlip ako sa sobrang dami ng ipinapagawa sa akin ni Ryder. Kailangan pa ang lahat ng mga iyon bukas. Imbes na iuwi ko ang ginagawa ko ay minabuti ko na mag-stay na lang sa office at tapusin ang trabaho ko bago umuwi sa apartment ko. Kailangan ko kasing mapagsama-sama ang latest financial reports, mga bidding projects na naka-line up ngayon taon at bagong mga listahan ng wiring company na kasama sa biddings. Nagtungo ako sa pantry para kumain ng cup noodles. Inalis ko ang suot kong black blazer at itinupi ang suot kong pink kong long sleeves. Inalis ko na rin ang sandals ko dahil kanina pa nanakit ang aking mga paa. Sumandal ako sa sofa at bumuga nang malalim. Nag-ring ang cellphone ko at tumatawag si Lyndon. Hindi ko

