Kabanata 19

1606 Words
Nomi‘s PoV MAHIGPIT kong hinawakan ang maliit na picture frame na nasa kamay ko. Ang larawan sa maliit na picture frame na iyon ay ang unang picture namin ni Ryder noong magkasintahan kaming dalawa. Hindi ko itinapon ang lahat ng bagay na ibinigay niya sa akin. Itinago ko ang mga iyon dahil pinahalagahan ko ang pinakamasayang alaala ng buhay ko. “Best, nakasalubong ko iyong devil husband mo. Nandito ako sa lobby ng kompanya ninyo at narinig ko ang pangalan ni Ryder. Totoo ba na siya ang asawa ni Miss Fiona?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. “P’wede ka bang pumunta rito sa office ko, Jyne?” nanghihina kong tanong sa aking kaibigan. Pakiramdam ko mabubuwal na ako sa kinatatayuan ko. Nakasandal ako sa pader at nangangatog ang mga tuhod ko. Pinipilit ko na palakasin ang loob ko habang nasa harapan ko si Ryder ngunit hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang tumingin sa kanyang mga mata. “Sige… hintayin mo na lang ako riyan, Best.” Tinapos ni Jyne ang aming pag-uusap. Iniwan ako ni Lyndon dahil naiinis ito kay Ryder. At kakausapin daw nito ang mga magulang upang mapunta sa kamay nito ang pamamalakad ng kompanya namin. “Yasmin, make sure na malinis at maayos ang magiging office ko rito sa Vicosta Wirings. Gusto kong pareho ang design nito sa office ko sa Raxon,” maawtoridad na sabi ni Ryder. Naririnig ko siya sa aking likuran habang kinakausap nito ang secretary na nakita ko sa labas ng conference room kanina. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad upang makalayo rito ngunit nagsalita ito. “Misis Milano, ikaw na siguro ang bahalang magligpit ng mga gamit mo sa loob ng dating office mo. Baka kasi may mga maitapon ang staffs ko na nga walang kuwentang bagay,” malakas na sabi nito. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. Patagilid akong tumango rito at hindi na nagsalita. “Pag-uusapan natin bukas ang magiging papel mo sa sarili ninyong kompanya. Ipapatawag ko ulit ang board members,” dagdag pa nito bago ko marinig ang mga yapak nito palayo sa kinatatayuan ko. Nilingon ko ang gawi ni Ryder na patungo sa elevator. Eksakto naman ang pagdating ni Jyne. Bumuga ako nang malalim at tumingin sa aking kaibigan na hindi maialis ang tingin kay Ryder. Kilala ni Ryder si Jyne dahil magkakaibigan kami noon. Alam din nito na may bar si Jyne sa Pangasinan. Sandaling nag-usap ang dalawa bago tuluyang pumasok sa loob ng elevator si Ryder kasama ng secretary nito. Bakas sa mukha ni Jyne ang lungkot habang palapit sa akin. Hindi ko na mapigil pa ang muling pagpatak ng luha sa aking mga mata. “Okay ka lang ba?” Mabilis akong umiling dito at niyakap nang mahigpit ang aking kaibigan. “Galit na galit siya sa akin, Jyne. Ramdam na ramdam ko na sobra siyang namumuhi sa akin,” pagsusumbong ko rito. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ng aking kaibigan. Hinaplos lang nito ang aking likuran at inaya niya ako na pumasok sa loob ng opisina ko. Naupo kami sa couch. Tumayo ito para kumuha ng tubig sa may pantry bago muli g bumalik sa tabi ko. “Ano ngayon ang mangyayari? Narinig ko kanina sa labas na siya na ang bagong CEO.” Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. “Hindi ko alam. Kailangan siya ng aming kompanya at wala akong ibang magagawa kun’di suportahan ang board of members sa kanilang desisyon. Hindi na sarili ko ang iniisip ko, Jyne. Alam kong maraming pamilya ang maapektuhan kapag tuluyang nagsara ang aming kompanya.” “Kung ganoon papayag kang araw-araw mo siyang nakikita? Paano kung alilain ka niya?” sunod-sunod na tanong nito sa akin. “Kilala ko si Ryder, Jyne. Alam kong hindi siya ganoong klase ng tao.” Nawala ang ngiti sa mga labi nito. “Hindi nga niya ako nakilala kanina. Kunsabagay, marami na nga akong tattoos sa katawan at katulad pa rin ng dati ang buhay ko. Sa nakikita ko hindi na talaga siya ang dating si Ryder, iyong Ryder na nakilala ko nakangiti palagi pero iyong Ryder na nakita ko kanina matapang ang mukha at pili lang ang nginingitian. Best, kung may asawa kang devil ngayon naman may ex-boyfriend kang devil din. Mas malala nga lang si Lyndon kaysa sa kay Ryder.” Napahawak sa sintido si Jyne. “Sasakit ang ulo ko sa problema mo, best.” Tumingin ako sa hawak kong picture frame. “Naniniwala pa rin ako na mananaig pa rin sa puso ni Ryder ang pagiging mabuting tao.” Tumingin ako sa paligid ng office ng aking ama. “Kailangan mo akong tulungan na ilipat ang mga ito sa office ko.” “Mabuti na lang talaga sumunod ako sa iyo kanina. Iba kasi ang pakiramdam ko at hindi nga ako nagkamali.” “Maraming salamat, best.” Nakangiting sabi ko rito kahit na naiiyak na naman ako. “Best, kailangan mong maging matatag. Huwag mong ipapakita kay Ryder na mahina ka. Sa pagkakataon na ito kailangan mong maging matapang na harapin siya. Isipin mo ang annulment ninyo ni Lyndon, Nomi. Kailangan mo ang tulong ni Ryder para magawa mo iyon. Palakasin mo nag kompanya, magtiwala ka sa kakayahan ng ex mo at magtiwala ka sa sarili mo. Kapag nahihirapan ka na p’wede mo akong tawagan at lapitan. Pumunta ka lang sa bar at bibigyan kita ng free drinks hanggang sa malasing ka,” pagbibiro pa nito sa akin. “Sira ka talaga, Jyne.” Napatawa ako ng aking kaibigan. Napagaan nito ang bigat sa aking loob. Mabuti na lang at naging kaibigan ko si Jyne. Tumawag ako ng iba kong staff para tulungan kami sa paglilipat ng mga gamit sa katabing office kung saan naroon ang office ko bilang isang executive assistant noon ng aking ama. KINABUKASAN dumating si Ryder sa kompanya namin. Dumiretso ito sa office nito kasama ang secretary na si Yasmin. Nagpatawag ito ng board of members para pag-usapan ang magiging role ko sa kompanya. At napagdesisiyunan ng lahat na ibalik ako bilang executive assistant. Magiging personal assistant na rin ako ni Ryder. Mananatili na si Yasmin sa Raxon Corporation at ako ang gagawa ng mga trabaho nito bilang executive assistant. Hindi na ako tumutol sa desisyon ng board of members. Mas mataas ang shares ni Ryder kaya hindi ko magawang magreklamo dahil p‘wede nitong i-pull out ang shares o kaya naman tuluyang mapunta na talaga rito ang kompanya namin. Nasa loob kami ng office nito at ipinapaliwanag nito sa akin ang mga bagay na dapat kong gawin. Habang nakaupo ito sa leather swivel chair na kulay brown ay napansin ko ang malaking wedding portrait na nasa likuran nito. Ang masayang larawan ni Ryder kasama ng asawa nito. Isang civil wedding ngunit napaka-elegante. “Misis Milano, narinig mo ba ang sinabi ko?” biglang untag sa akin ni Ryder. “O-Oo, sir.” Ibinalik nito ang tingin sa computer at itinaas ang kamay. “You may go!” Naka-schedule ng three days si Ryder sa aming kompanya. At ang natitirang apat na araw nito ay para sa Raxon Corporation. Habang palabas ako ng office nito ay nahulog ko ang mga folder. Apat na folder iyon at hindi ko na mahawakan kaya naman nadulas sa kamay ko. Wala akong narinig na anumang salita mula rito. Bumuga ako nang malalim at dinampot ang mga iyon bago tuluyang lumabas sa office nito. Bakit ko ba inaasahan na tutulungan ako ng boss ko? Hindi pa man ako nakakaupo sa swivel chair ko ay nakatanggap ako ng beep message mula rito. May kailangan akong kunin sa finance department at nasa second floor pa iyon. Gustong makita ni Ryder ang report mula noong nakaraang taon. Nang bumalik ako sa office nito na dala ang folder na galing sa finance department ay ibinagsak nito ang isang folder sa lamesa. Listahan iyon ng mga wires na substandard na ginawa ni Lyndon. “Akala ko ba matalino ang napangasawa mo, Misis Milano?!” malakas na tanong ni Ryder sa akin. “Hi-Hindi ko iyan napansin noon dahil nasa Cebu ako.” Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. “Pasar@p buhay habang may mga taong inosenteng tao na nadamay sa kabob*han ng asawa mo?” “Inayos ko na ang problema noon kung binasa mong mabuti ang re---” “Iyong report na galing sa finance department akin na!” pagalit na sabi nito sa akin. Maayos ko iyong inilapag sa lamesa ngunit hinablot nito iyon sa kamay ko. Napunit ang papel at nagkalat ang iba pang nilalaman ng folder. “Tsk!” malakas na pagmumura nito. Naiiyak na dinampot ko ang mga papel na nagkalat sa sahig. Ikinuyom ko ang aking kamay at tumayo sa harapan nito matapos kong damputin at ilagay sa lamesa nito ang mga iyon. “Executive assistant mo ako rito at hindi mo ako katu---” “Alisin mo ang mga iyan sa lamesa ko, Misis Milano. Gumawa ka ng bago at dalhin mo rito! Wala kang karapatan na magreklamo! Gawin mo ang sinabi ko dahil iyon ang kailangan mong gawin ngayon! Ayokong makarinig ng mga walang kuwentang kadramahan mo!” singhal nito sa akin. Marahas kong dinampot ang mga folder na nasa lamesa at itinapon ang lahat ng iyon sa basurahan na nasa tabi nito. Hindi ako umimik na lumabas ng opisina nito. May record naman ako sa office ko at iyon ang dadalhin ko rito. Tama ang sinabi ni Jyne, hindi dapat ako maging mahina sa harapan ng dati kong kasintahan. Kahit na mahirap kailangan kong ipakita rito na hindi ako mahina at hindi ako natatakot dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD