Chapter 4:Spark
Maaga akong nagising kaya naisip kong lumabas muna sa garden. Iniisip ko lang yung sinasabi ni Arden kahapon.
Hindi ko naman alam kung bakit pero nab-bother talaga ako sa sinabi niya. Yung text daw ng text si Sir sa kung kanino? Ewan. Pero baka naman mga girlfriend lang ni Sir? 'Di lang alam ni Arden? Aish.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at binuksan ang conversation namin ni Shaun na puro text ko lang. Kung magb-backread ako sa messages namin, wala akong ibang makikita kung 'di iyong mga chat ko ngayong taon. Ini-delete ko kasi iyong mga usapan namin sa messages last last year dahil nasasaktan ako.
Damn. I miss him so much.
Ako:
Good morning! Have a good day :)
"Bakit kasi iniwan mo ako? Naghahabol tuloy ako sayo ngayon," malungkot na usal ko habang hinahawakan yung mga bulaklak na narito sa garden ni Mommy.
"Alam mo? Simula nang iwan mo ako, hindi na ako nagkagusto sa iba kasi nga hanggang ngayon, mahal pa rin kita, hanggang ngayon ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Kaya sana nga makapag move on na ako nang mabilis dahil nahihirapan na din ako.."
Bumuntong hininga ako. Hayaan nang magmukhang tanga rito, ngunit iniimagine ko nalang na si Shaun itong kausap ko ngayon para kahit papaano ay mailabas ko manlang ang mga hinanakit ko.
"Alam ko namang hindi ka na babalik sakin dahil may iba ka nang mahal. Kung hindi lang sana kita pinaghabol noon, e 'di sana hindi ako nagkakaganito ngayon.."
Naglitawan ang mga alaala namin sa puso ko. Masasakit at masasayang alaala. Hindi ko mapigilang mapangiti kasabay ng pangingilid ng luha ko.
"Sa lahat ng messages ko sayo, hindi mo pinapansin. Bakit mo ginagawa sakin 'to? Para makaganti ka?"
Natigil ako sa pagsesenti nang biglang tumunog ang phone ko. Kuryoso kong kinuha ang phone ko at halos lumuwa na ang mga mata nang makitang may reply na siya.
Finally!
Sherwin:
Good morning! Are you free? Let's meet.
Nakangiti akong nagtype ng reply, halos hindi na mapakali sa kinatatayuan ko ngayon.
Ako:
Really? Okay!
Kumaripas ako ng takbo papasok sa bahay ay umakyat agad sa kwarto ko. Naligo kaagad ako at nang matapos ay nagbihis ako ng fitted black dress. Kinuha ko na din bag ko at phone tsaka ako dumeretso sa baba.
Naabutan ko sila Mommy.
"Good morning! Saan ang punta mo? Kain ka na.."
"Hindi na po, Mommy. May imi-meet lang po ako sa mall," nakangiti kong sagot.
"Sige na.."
Matapos kong magbeso kay Mommy at Daddy ay nagpaalam ako sa kanilang aalis na. Hindi na ako naghintay pa nang ilang oras at kumaripas na ng takbo papuntang parking para magpahatid sa mall. Tuwang-tuwa ako ngayong oras na ito kaya kahit pa may traffic, nakapagtatakang hindi uminit ang ulo ko. Bagkus ay nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang dinaraanan namin.
Nakangiti lang ako buong magdamag. Walang mapaglagyan ang saya ko ngayong oras lalo sa tuwing iisipin kong magkikita kami ni Shaun matapos ang dalawang taong hindi kami nagkita. Sobrang miss na miss ko na siya, kung alam niya lang.
Nang makarating ako ay dumeretso na ako sa meet up place namin. Sa loob iyon n'ong bagong cafe na kabubukas lang rito sa loob ng mall. Hinanap siya ng mga mata ko sa loob ngunit mukhang wala pa siya kaya nakangiti akong naghanap ng uupuan naming dalawa. May sumalubong sa aking waiter ngunit sinabi kong may hinihintay ako kaya umalis na lang rin siya.
Habang naghihintay kay Shaun, hindi ko mapigilang hindi mapaisip. Nagtataka ako dahil matapos nang ilang taon niyang panb-balewala sa mga messages ko ay bigla-bigla nalang siyang makikipagkita ngayon. Makikipag-balikan kaya siya? Kung oo, sure, why not? We can talk about it naman, e. Pwede pang maayos kung gusto niya nga. Kinikilig tuloy ako sa tuwing naiisip ko iyon.
"Sorry, I'm late.."
Napatingala ako nang may boses na nagsalita. Lumaki ang ngiti ko at tumayo para makipag-beso sa kaniya. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng panglalaking pabango niya na sa tuwing naaamoy ko ay milyon-milyong alaala namin ang bumabalik sa isip ko. Gan'on pa rin talaga siya, mukhang hindi niya pa rin binabago iyong pabangong ginagamit niya. Favorite niya, e.
Sa dalawang taong hindi kami nagkita, wala akong nakitang pagbabago sa kaniya. He's still the Shaun Carreon that I loved. Naroon pa rin ang aura niyang nakapagpapahulog sa akin hanggang ngayon. Hindi talaga nagbago. Mahal na mahal ko pa rin siya...
"It's okay, kadarating ko lang din naman.."
"So, order muna tayo?"
Kinuha ko yung list at ganun din s'ya. Habang nagtitingin ay di ko maiwasang hindi sya tignan.
Mukha naman okay na siya? Masayang-masaya siguro silang dalawa ni Mica? Sheez. Sana ako na lang yung kasama niya ngayon. Sana ako pa rin yung kasama niya, sana ako pa rin yung mahal niya, sana ako pa rin yung yakap-yakap niya nang mahigpit, sana ako pa rin... Pero, kung hindi lang nangyari iyon ay baka ako pa rin. Kung hindi lang sana dumating si Mica sa buhay niya ay baka ako pa rin...
Nahuli nyang nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti lang ako at ibinalik ang paningin ko sa list. May lumapit na waiter sa amin at kinuha ang order namin. Tanging kape at cake lang ang in-order ko para gawing agahan. Hindi pa naman ako kumakain ng breakfast dahil tumanggi akong kumain sa bahay kanina.
"Bakit nga pala gusto mong makipag usap?" Tanong ko.
Ngumiti muna sya bago magsalita. "May ibibigay lang sana ako sayo..."
Kumunot ang noo ko hanggang sa may inabot siya sa aking isang kulay puti at gold na envelope. Kinagat ko ang ibabang labi ko at inabot iyon kahit pa may paga-alinlangan na sa akin dahil pamilyar sa aking ang mga ganoong envelope.
Ang kaninang ngiti sa labi ko ay unti-unting nawala na parang isang bulo. Iyong puso ko, parang biglang hinampas ng isang baseball bat dahilan para mabasag at unti-unting madurog. Para akong pinagsasaksak nang ilang kusilyo habang binabasa ang nakalagay roon.
"Shaun and Micaiella, together with their families, invites you to celebrate their marriage..."
Hindi ko natuloy iyong binabasa ko nang mapagtanto ang nakalagay roon. Nangilid ang luha ko kaya palihim ko iyong pinunasan para hindi niya makita. Nang dahil sa nabasa, parang gusto ko nalang punitin itong invitation niya kung paano niya pinunit ang puso ko dahil dito.
Ang sakit... Sobrang sakit. Kaya pala pinapunta niya ako dito ay iimbitahin niya lang ako sa kasal nilang dalawa. Sana pala hindi na lang ako nakipagkita kung ganito lang din ang aabutin ko. Umasa ako na yayayain niya akong makipagbalikan... Hindi yayayain sa kasal nila.
Pilit akong ngumiti sa kanya.
"I-Ikakasal na pala k-kayo," kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagluha ko.
Ang sakit. Sobra. Sobra-sobra...
"Oo, gusto kong nandun ka ah," he smiled.
Gusto niya nandun ako? Para saan? Para masaktan ako? Hindi ko maintindihan, e. Bakit kailangan niyang imbitahin ang ex niya sa kasal nila ng bago niya? Anong purpose n'on?
Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na iyong order namin kaya nagsimula na akong kumain. Sinadya kong bilisan ang pagkain ko para makaalis na agad ako rito. Gusto ko mang manatili pa para mas makasama pa si Shaun ngunit nasasaktan lang ako lalo sa tuwing bumabalik ang mga alaala naming dalawa. Iyong sumpaan namin sa isa't isa na magpapakasal pa kami.
Mangyayari ngang ikakasal siya. Naroon ako... Pero hindi ako ang pakakasalan niya.
"How are you, Cat?"
"Masaya naman, masayang-masaya ako."
Punong-puno nang pagka-sarkastiko ang boses ko pero mukhang hindi niya napansin yun dahil nakangiti pa din siya. Gusto kong isigaw sa kaniya na, "Hindi! Hindi ako okay! Lalo na nang malaman ko na ikakasal ka na!" Pero hindi pwede.
Gusto kong maging masaya para sa kaniya pero hindi ko magawa. Siguro sasaya ako kung sa akin siya ikakasal pero hindi, e... Hindi ako. Hindi na ako.
"Mmm. Dating someone?" Tanong nya.
Hindi! Tanga ka ba o manhid? Kita mong tini-text-text kita kahit hindi ka nasagot tapos itatanong mo kung nakahanap na ako ng bago? Hindi niya ba ramdam na hanggang ngayon ay mahal ko pa din siya? Siyempre hindi ako naghanap! Hindi ako naghanap dahil hanggang ngayon, siya pa rin! Siya pa rin ang gusto ng utak at puso ko!
"O-Oo," I lied.
"Maswerte siya kung ganoon. Lahat naman yata ng mapapasayo ay swerte," he chuckled.
Swerte? So, swerte na pala siya sa akin? Pero bakit niya ako pinagpalit? Swerte na ng siya sa akin, naghanap pa siya ng malas. Ganoon ba iyon?
Iyong sakit na nararamdaman ko, nabawasan nang kaunti nang matapos akong kumain. Matapos kong punasan ang bibig ko ay dali-dali akong tumayo at nagpaalam sa kaniyang aalis na.
"Bakit ang bilis naman?"
"May pupuntahan pa kasi kami nila Mommy..." I lied.
"Hmm, sige.Take care. I-kumusta mo nalang ako kay Tita at Tito, ha?"
Tumango ako at pilit na ngumiti. Pagtalikod ko sa kaniya ay doon na isa-isang naglaglagan ang mga luha ko. Napalingon sa akin iyong ibang nakapansin nang pagluha ko ngunit hindi ko sila pinansin. Tumakbo ako paalis at dumeretso sa parking. Gaya nang inaasahan ko, pinagtinginan ako sa loob ng mall at hanggang sa parking lot dahil sa pag-iyak ko. Hindi pa nakaligtas sa pandinig ko ang mga bulungan nila tungkol sa akin ngunit masyado akong nasasaktan para pagpapansinin siila.
Umupo ako sa isang bench doon at tumungo habang tulo nang tulo ang mga luha ko.
"B-Bakit kasi kailangan mo pa akong imbitahan?" Napahikbi ako. "You're so stupid! Ayaw na sayo nung tao kaya tigilan mo na s'ya!"
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa labis na inis. Ang tanga-tanga ko!
"Ang sakit, e! Anong magagawa ko? Mahal ko pa s'ya! Tapos ngayon sasabihin n'yang gusto n'yang nandun ako sa kasal n'ya? 'Wag na dahil baka masira ko pa yung araw n'ya! You're so stupid, Cat! Ayaw n'ya na sayo kaya tigilan-"
Natigil ako sa pagsasalita nang may kumalabit sa akin. Nilingon ko iyon. Medyo malabo na rin ang paningin ko dahil sa nakaharang na mga luha sa mata ko kaya hindi ko pa maaninagan noong una. 'Di rin tumagal ay nakita kong nakalahad yung kamay nya habang may hawak na panyo.
Hindi ko tinanggap yung panyo n'ya at pinunasan yung luha ko gamit ang mga kamay ko. Halos mahulog ang panga ko nang makumpirma kung sino ang nasa harapan ko. Umupo sya sa tabi ko at tinapik-tapik ang likod ko pero lumalayo ako.
"I'm so stupid!"
"Ssh, don't say that..."
"Ano bang ginagawa mo dito!?" Inis ko siyang binalingan.
"Look, Catriona, I know that we're not that close but I want to stay by your side."
Kitang-kita ko naman sa mga mata n'ya na sincere s'ya sa mga sinasabi n'ya kaya hindi ko nalang din s'ya pinansin pa.
"Bakit kasi kailangan imbitahan nya pa ako dun?"
"Ano bang nangyari!?"
Humagulgol ako lalo. "Sir!"
"Ssh! Ano bang nangyari?"
"Sir, mahal ko pa s'ya, e! Tapos ngayon iimbitahan n'ya pa ako sa kasal nila ng bago n'ya!? Ang sakit eh! Napakatanga ko! Ayaw n'ya na nga sa akin pero hinahabol ko pa rin s'ya! Anong gagawin ko!?"
"E 'di kalimutan mo s'ya. Madali lang 'yan."
"Madali!? E halos two years na nung nagbreak kami tapos hanggang ngayon hinahabol at mahal ko pa s'ya! Bakit ganun!? Ako na talaga ang pinakahindi nagiisip na tao!"
Nagulat ako sa ginawa nya. Napatigil ako.
Niyakap niya ako!
"Ssh! Don't say that, I'll help you..."
Lalo akong natigilan nang maramdaman ko ang mainit na hininga n'ya sa likod ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapakiramdaman kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko. Animo'y maraming kabayo ang nagtatakbuhan dito.
"S-Sir.."
Napakalas sya sa yakap nang tawagin ko sya. "What?"
"W-Why are y-you doing this?"
"I just wanna help you?" Napalunok siya. "Ssh! Quit asking questions."
"Pero, Sir! Anong gagawin ko dun? Aattend ba ako sa kasal nila? Eh sabi n'ya kasi kailangan nandun ako! Ano!? Papanoorin ko silang sobrang saya habang ako naman pinapatay na sa sobrang sakit?"
"Kailangan mo. Para na rin yan sa pagm-move on. Iiyak mo lang 'yan lahat."
"Pero halos ilang balde na nga ang iniyak ko noon pero hindi pa rin nawawala eh!"
"Mawawala yan, trust me!"
"Pero, Sir, natatakot ako..."
"Bakit ka naman natatakot?"
"Eh kasi mamaya kung ano pang magawa ko dun. Hindi ko pa naman nac-control yung sarili ko kapag galit ako..."
"Then feel free to use me."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"
"Gamitin mo ako.."
Huh? Gamitin?
"Gamitin!? Ikaw!? Nagpapatawa ka ba!?"
"No. I'm serious here.."
"Pero, Sir, paano nga?"
"Gamitin mo nga ako.."
"Anong gusto mo!? Ipagpretend ko na boyfriend kita!? No way!" Sarkastiko akong tumawa pero nanatili siyang seryoso.
"Pwede naman, apat na araw na lang naman kaya ako na lang ang maging partner mo sa kasal nila."
"Sa kasal lang ah!"
"Of course.."
Umangat ang kilay ko. Yabang talaga!
"Then deal," nilahad ko ang kamay ko.
Ngumisi siya at tinanggap ang kamay ko. "Deal."
"A-Ah!"
Napangiwi ako at mabilis na tinanggal ang kamay ko sa kamay niya.
"Bakit?" Nag-aalalang tanong nya.
"May kuryente ba yang kamay mo!? Ang sakit ah!"
"Naramdaman mo din yun?"
"Ang alin?"
"Yun. Yung parang kuryente?"
"Oo. Ano ba yun?"
"Ewan ko. Naramdaman ko nalang din eh.."
Pagkatapos ng usapan namin ni Sir ay saktong dumating na yung service ko kaya nagpaalam na ako sa kanya at umuwi. Pagkauwi ko ay naabutan ko si Mommy sa living room, nakaharap na naman sa iPad niya.
"Hey, how are you?" Tanong ni Mom nang makitang pumasok ako.
Ibinaba niya ang iPad niya at nginitian ako.
"Okay naman po, Mommy."
Umupo ako sa tabi niya at bumuntong hininga.
"Sino nga pala yung mi-neet mo?"
"Si Shaun po..."
Bumalik sa isip ko iyong nangyari kanina kaya napabuntong-hininga akong muli. Alam ni Mommy at Daddy na ex ko si Shaun. Sila rin kasi ang nagpakilala kay Shaun sa akin. Legal kami both sides dahil magkaibigan ang parents namin kaya hindi naging mahirap para sa akin ang maka-close ang parents ko. Ganoon rin siya.
"Mmm, anong sabi nya? Nagkabalikan na ba kayo?"
"Sad to say, Mommy, pero hindi na mangyayari yun," malungkot na sabi ko kaya lumungkot din yung mukha ni Mommy.
"Bakit naman, anak?"
"Ikakasal na po siya at invited ako."
"Ikakasal!? Kanino!?"
"Kay Mica po. Remember Mica? Yung anak nung friend n'yo, yung nagmomodel sa ibang bansa?"
Si Mica Delos Reyes? Ayun. Siya ang anak nung mga kaibigan ni Mommy at Daddy. Nagmomodel din sya sa ibang bansa, lumalabas sya sa mga commercials, magazines, at sa kung ano-ano pa. Kapag sinabing model makikita mo s'ya dun. Kaibigan ko din s'ya pero hindi naman kami gaano kaclose.
"Ay, oo! Aw, sorry to hear that. Don't worry makakahanap ka pa ng iba dyan.."
Biglang may pumasok sa isip ko.
"Ay, Mommy!" Tawag ko sa kanya.
"Yes?"
"Alam nyo po ba yung parang pagkahawak nyo sa kamay ni Daddy ay parang nakuryente ka?"
"Kuryente? You mean spark?? Ay, oo! Nung college kami..."
Spark? Ano yun?
"Bakit mo naman natanong yan, anak?" Dagdag na tanong pa ni Mommy.
"Kasi po kanina, may deal kami ni Sir, 'wag mo nalang po itanong kung ano. Tapos po nung pagkashake hands namin ay natanggal ko agad yung kamay ko dahil para akong nakuryente. Siya rin daw po naramdaman yun eh.."
Saglit na natigilan si Mommy at maya-maya pa ay napatakip ako ng tenga nang tumili si Mommy kaya kumunot yung noo ko.
"Bakit po?" Kunot noong tanong ko.
"May spark kayong dalawa! 'Yan yung feeling nung parang makukuryente ka... Yiiii! I think you like him and he likes you, too!"
Lalong kumunot yung noo ko. Ako? Magkakagusto dun? No way!
"Mommy, naman, e," napanguso ako.
"That's true, baby! Halos lahat! Halimbawa: may gusto ka sa kanya tapos parang nagkahawak lang kayo ng kamay tapos may spark na! Yiii! I think you're inlove! Yiii! Inlove ka!!"
Ako? Maiinlove dun? Kalokohan naman!
"Mommy naman! I don't like him! I don't love him!" Giit ko pa.
"You're so in denial," mahina niya akong hinampas sa tuhod.
"Mommy, naman," ngumuso ako lalo.
"Wushu! You're inlove! Yiii! Call your Dad! I'll tell him that you're inlove! Yiii!"
"Mommy, 'di nga ako inlove!"
"Hindi inlove kanino?"
Sabay kaming napalingon sa pinto. Nanlaki na lang ang mga mata ko.
Si Daddy, lasama yung Llaneza Family! Bigla akong kinabahan nang maisip na baka narinig nila yung pinaguusapan namin. Gosh, no!
Nakangising nakatingin sakin si Daddy at ang buong Llaneza naman ay takang nakatingin. Tumingin ako kay Mommy na napakalaki ng ngiti.
"Mommy, naman," bulong ko.
"I'll tell your Dad!" Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Pero, Mom-"
Naputol ang sasabihin ko nang putulin ni Daddy ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.
"Hindi inlove kanino?" Nakangising pag-uulit pa ni Daddy sa tanong nya.
"W-Wala po!"
"She's inlove!" Tumili si Mommy.