Chapter 5:Fight
"She's inlove!"
"Inlove? Kanino?" Takang tanong ni Daddy.
"Kay A-" pinutol ko yung sasabihin ni Mommy.
"Wala po yun! Matagal na yun! Dati pa naman akong inlove kay Shaun, ah?" Depensa ko.
Magsasalita pa sana si Mommy kaso mabilis akong lumapit sa tabi ni Mommy at yumakap sa kanya.
Jusko naman. Ipapahamak pa yata ako ng Nanay ko!
"Tss. I know you're inlove," Dad grinned.
Nanlaki ang mga mata ko. "Ako!? In love? Hindi, ah!"
"Kanino? Sabi mo kanina matagal mo na s'yang gusto?"
Para akong mahihimatay sa kad-depensa sa sarili ko ngayon. Lalo nang hindi ko mawari kung sino ba iyong tinutukoy niya. Gusto ko nalang maglaho na parang isang bula para maiwasan ang mga tanong niyang gumagasgas sa dignidad ko ngayon.
"She's inlove with Ar-"
Pinutol ko ulit ang sasabihin ni Mommy gamit ang pagtakip sa bibig niya gamit ang mga kamay ko. Para na kaming timang dito. Nahihiya na ako lalo't narito pa ang Llaneza family na takang-taka na sa asta namin.
"Ar? Sinong Ar?"
"'W-Wag n'yo na lang pansinin si Mommy!"
May tinuturo si Mommy kaya tinignan ko nang mabuti kung sino yun. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si Sir iyong tinuturo niya. Nilingon ko si Sir na kunot noong nakatinging sa akin. Mukhang naw-weird-uhan na s'ya sa akin dahil sa reaksyon ng mukha niya. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Mommy at mabilis na ibinaba iyon.
"Mommy, naman! Sige ka, isusumbong kita na nagwagwapuhan ka kay Sir," bulong ko.
Natahimik si Mommy kaya napangisi ako.
"Nothing," Mommy shrugged her shoulders.
Napangisi ako nang mapansing hindi na kumibo si Mommy. Tumahimik na siya na mas lalong ikinataka nina Daddy.
"Sinong Ar yun, Catriona?"
"Wala yun, Daddy. Ano yun, ah. 'Arf arf' lang yun. Tama, tama! 'Arf arf' lang yun kasi naglalaro kami ni Mommy, hehe," palusot ko.
"Arf arf?? Ate, you're so funny," tuwang-tuwang ani Arden.
Matalim akong tinitigan ni Daddy kaya ngumuso lang ako. Mukhang napansin niyang hindi na kumibo si Mommy kaya binalingan niya na ang mga kasama niya. For sure, they're talking about business again.
Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila dahil umakyat na ako sa itaas. Binalewala ko ang mga tingin ni Sir na hindi ko naman alam kung para saan. Hindi rin naman ako nagtagal sa kwarto ko dahil nagpalit lang ako ng damit at kinuha ang phone ko para lumabas ng bahay. Hindi pa kasi ako nakapagpapalit ng damit simula n'ong bumalik ako galing sa mall nang kitain ko si Shaun.
"Where are you going, Ate?"
Makalalabas na sana ako sa main door nang bigla akong mapansin ni Arden dahilan para lingunin ako nang lahat.
"Dyan-dyan lang. Bakit? Sama ka?"
Isang tango lang ang isinagot niya sa akin bago tumayo at lumapit sa akin para sabayan ako sa paglalakad palabas. Hindi kami lumayo, ni hindi nga kami lumabas ng bahay dahil sa garden lang ni Mommy kami tumungo. Nagikot-ikot lang ako, tahimik lang siyang nakasunod sa likuran ko at pinagmamasdan ang mga bulaklak.
Maya-maya ay tumabi siya sa akin at inilapit ang bibig sa tainga ko kaya nilingon ko siya.
"I knew it."
"Huh?" Takang tanong ko.
He grinned. "Sabi ko na nga ba, Ate, may gusto ka kay Kuya."
"What?" Umiling ako, "Hindi ko nga gusto 'yong Kuya mong 'yon."
"Don't deny it, Ate. Your Mom said na nags-start sa "Ar" 'yong name. It's either Arden or Arvin. Pero dahil tinuro ng Mommy mo si Kuya, s'ya pala yung tinutukoy n'yang in love ka."
"No. Namisinterpret lang ni Mommy yun, promise! I swear! Mamatay man ako ngayon! Hindi ko s'ya gusto," giit ko.
Mariin niya lang akong tinignan, may isang misteryosong ngiti sa labi niya. Nang ngumuso ako ay natawa siya at tumango-tango siya. Tumagal ang usapan namin doon ni Arden, hanggang sumapit ang dilim. Natigil lang kami sa pagu-usap nang biglang lumabas si Sir.
"Catriona, Arden, dinner na raw."
Tumayo kaming dalawa at sabay na nagpuntang dining. Nandun na silang lahat at kaming dalawa nalang ang hinihintay.
Bakit ba laging magkakasabay kaming kumain? Hindi ba pwedeng dun na lang sila sa kanila? May bahay naman siguro sila, 'di ba? Aish.
"Tabi tayo?"
Tumango s'ya at uupo na sana nang nagsalita si Sir.
"No. Dyan ako nakaupo, Arden."
Lahat kami ay napalingon sa kaniya. Pinagtaasan ko siya ng kilay ngunit hindi niya ako pinansin.
"Sige, dun nalang ako. Dyan ka na, Arden."
Ngumiti ako matapos ituro kay Arden iyong isang vacant seat kung saan makatatabi niya si Sir. Doon nalang ako uupo sa isang seat na nasa tabi ni Mommy. Tutal ay magkapatid naman sila, e 'di sila na lang ang magtabi. Ayaw ko namang tabihan itong si Sir.
"No. Dyan ka na, Cat."
Tinaas ko ang dalawang kamay ko, hindi makapaniwalang tinignan siya. Dapat ay kami ang magkatabi dahil Mommy ko siya, at ang magkapatid na ito ang magkatabi. Hindi kaming dalawa ni Sir!
Mukhang hindi talaga sila kakain hanggang hindi kami nauupong tatlo kaya napairap na lang ako at walang nagawa kung 'di umupo sa tabi ni Sir. Nakita kong ngumiti pa si Arden sa akin bago umupo sa upuan na tabi ni Mommy. Hindi ko pinansin si Sir na kita kong nakatingin sa akin mula sa gilid ng mga mata ko.
Tahimik lang akong nagsasandok ng kakainin ko, pinakikinggan ang usapan nilang wala na yatang katapusan. Mukhang tapos na nilang pag-usapan iyong business nila kaya kung ano-ano na ang pinagu-usapan nila.
"Anak, pupunta ka ba sa wedding ni Shaun?" Nilingon ako ni Daddy sabay tanong niyon.
Napalunok ako at palihim na tinignan si Sir. Isang tango ang isinenyas niya sa akin matapos niyang tumikhim.
"Yes, Dad."
"Mmm. Sabay nalang tayo pumunta dun?"
"Sige, Dad."
Ang totoo ay naiinis pa rin ako. Hindi ko lang kasi maiwasang hindi isipin kung ano bang meron dun sa Mica na yun? I mean, she has the body, the boobs, the looks and definitely the brain! Meron din naman akong look at brain, ah? Hindi pa ba sapat yun?
Hindi ko pa rin talaga alam kung ano ba ang nagustuhan ni Shaun sa kaniya na wala ako. Aaminin kong hindi nga maganda ang ugali ko pero ginawa ko naman ang lahat para maging enough sa kaniya kahit alam kong may past siya sa pagiging babaero. Hindi ko alam kung iniwan niya na iyon nang maging kami pero iyon nalang talaga ang nagiging problema namin noong kami pa. Babae. Palagi nalang babae. Palagi niyang isinisisi sa akin iyong ugali ko, selosa daw ako, at kung ano-ano pa. Pero, hindi naman kasi ako magseselos nang wala lang.
Naga-alinlangan ako kung pupunta ba ako o hindi. Ayaw ko mang pakinggan ang gusto ni Sir na pumunta ako. Hindi ko na kasi alam. Gulong-g**o na ako. Baka kapag tinanong ni Father kung may tututol ba sa kasal ay magtaas ako bigla ng kamay. Jusko.
"May partner ka na ba sa kasal?"
"Kailangan ba 'yon, Daddy?"
I mean, is that even required? I'm a strong independent woman. Kaya kong mag-isa doon kahit pa nasasaktan na ako. Iyon nga lang, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko doon. Baka kapag hindi ako nakapagtimpi ay manggulo nalang ako doon dahil nasasaktan ako.
"Yes."
Kailan pa nangailan ng partner kapag bisita sa isang kasal? Tsh.
"Ako na ang bahala doon, Dad."
Hindi na siya sumagot at bumalik sa pagkain. Bumalik nalang rin ako sa pagkain at lalong hindi ako mapakali dahil sulyap nang sulyap si Sir na nasa tabi ko. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.
"Bakit hindi mo sabihin?"
Hindi ako sumagot at inirapan lang siya. Maya-maya pa ay natapos ako sa pag-kain samantalang sila ay hindi pa nakapagd-dessert dahil sa pagdadaldalan nila. Nagpaalam ako sa kanilang aakyat na dahil may pasok pa ako kinabukasan. Mabuti't pumayag silang lahat kahit hindi pa sila tapos kumain.
Pag-akyat ko sa sa kwarto ko, biglang pumasok sa isip ko sina Erianne kaya sinubukan ko silang tawagan ngunit mukhang nakapatay ang phone niya kaya sinubukan ko ring tawagan at itext iyong dalawa. Hindi nila sinasagot iyong tawag ko at maski iyong text ko kaya ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at nag-half bath para makatulog na.
"Uy, Anne!"
Patuloy ako sa pagtawag sa kaniya habang tumatakbo at hinahabol siya. Paano kasi ay hindi nila ako pinapansin kanina. Araw-araw, pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay siya agad ang bubungad sa akin para makipagkwentuhan ngunit kanina ay wala. Ni hindi nga ako kinikibo kahit tinatanong ko kung kumusta silang tatlo. Nagulat na lang ako nang mukhang mainis siya at lumabas ng classroom. I ended up running, chasing her.
"Anne!" Muli kong tawag sa kaniya.
Pilit ko nalang itinutulak iyong mga taong nakaharang sa tinatakbuhan ko kaya inis nila akong hinahabol ng tingin. Hindi nalang kumikibo iyong iba nang makilala ako ngunit sadyang may malalakas lang ang loob na sinisigawan pa ako. Pinagtataasan ko na lang sila ng gitnang kamay sabay takbo para habulin pa si Erianne.
"Anne!"
Laking pasasalamat ko nang huminto siya sa parking lot na narating ko na kahahabol sa kaniya.
"Ano ba ang kailangan mo!?"
Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw sabay harap sa akin.
"Ano bang nangyayari sa inyo? Simula nung isang araw hindi n'yo na ako pinapansin! Ano bang nangyayari?"
"May pake ka na pala samin ngayon!?"
Tumaas ang isang kilay ko. "Ano!? What the hell are you saying?"
"Wow! Kaya pala nung Sabado ay nagmamadali kayong umalis ni Sir, yun pala magkasama lang kayo! Sabi mo may pupuntahan kayo nila Tita tapos makikita namin kayo sa convenience store? Yan ba yung walang gusto!?"
Natiglan ako, hindi makapaniwang tinignan siya.
"Hindi ko nga s'ya gusto! Totoo nga yung sinasabi kong may pupuntahan kami ni Mommy! Hindi ko alam na nandun din pala sila. Malay ko bang kakilala nila Grandma sila Sir. Nagulat na nga lang ako na nandun sila, e. Tapos yung sa convenience store, inutusan lang kami bumili nang ice cream nun! Oh? Ano pa?"
Natigil ang ibang tao rito sa parking lot nang marinig ang sigaw ni Erianne at ang boses kong tumataas na dahil sa inis sa kaartehan niya. Napapatigil sila sa gilid namin, talagang ang lalakas nang loob na makinig sa sigawan namin.
"Sige, palalampasin ko yan! E, ano to!?"
Tumigil s'ya at kinuha yung phone n'ya at nagpipindot. May pinakita syang photo na galing sa social media. Nanlaki ang mga mata ko nang makita iyong nangyari kahapon na niyakap ako ni Sir nang dahil sa pag-iyak ko.
"Kahapon, nagpunta kami sa inyo tapos wala ka! Sabi ni Tita may pinuntahan ka lang daw tapos yan ang makikita ko? Magkayakap kayo?"
Hindi ako nakasagot.
"Bakit hindi ka makasagot!? Akala ko ba sasagutin mo lahat? Bakit 'di ka sumagot!? Kalat na kalat na yan, Catriona! May nakakitasa inyo sa mall, si Stella pa! Pinagkakaguluhan ka na nila dahil dyan at doon sa comment ni Sir. They're assuming that you really like him! Alam mo? Minsan ay napapaisip na rin ako na baka totoo ngang may gusto sa kaniya. Hindi mo alam, 'no? Oo, kasi puro panlalandi sa kaniya ang inaatupag mo!"
Hindi ako nakasagot sa kanya.
"Pupuntahan mo lang kami kapag may kailangan ka, e. Magsama kayo ng Sir mo!"
Tumaas ang isang kilay ko at sasagot pa sana nang tumalikod na siya at nagmartsa paalis. Umirap nalang ako at pinagkrus ang dalawang braso ko. Nagtagis ang bagang ko at hindi makapaniwalang napailing. Iginala ko ang paningin ko at nang dahil sa inis ko ay nasigawan ko ang mga taong nakatingin sa akin.
Matapos nilang umalis dahil sa pagsigaw ko sa kanila ay umalis na rin ako at bumalik sa room. Naabutan kong nagl-lecture na si Sir.
"You're late, Ms. West."
"I'm not."
Nakatingin siya sa akin na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Bumuntong hininga ako at bagot siyang tinignan pabalik. Nakipagsukatan lang ako ng titig sa kaniya habang pinagk-krus muli ang braso ko.
"Titingin ka lang ba sa akin o magtuturo ka!?"
Saktong pag-iwas niya ng tingin ay may kumalabit sa akin galing sa likod ko kaya inis akong napapihit sa likuran ko.
"Ano ba!?"
"Yung phone."
Mom:
Deretso ka sa mall mamaya pag out mo. Sa boutique ni Tita Raquel mo.
Shaun:
Gold and white yung theme nung weding :)
May text din sa akin sina Thea pero kahapon pa yun. Mukhang galit nga talaga sila? Pero bakit ba sila nagagalit?
**
"May nakita akong dress dun kanina, bagay sayo!" Salubong sakin ni Mommy nang makarating ako sa mall.
"Mommy, tara na. I'm tired."
Nagpunta na kami dun sa boutique na laging pinagpapagawa ni Mommy ng mga damit para sa special ocassions, which is botique ni Tita Raquel. Dito rin siguro magpapagawa si Mica ng gown n'ya dahil si Tita Raquel ay kaibigan din nila Mommy kaya kilalang-kilala talaga si Tita Raquel.
Binati agad kami ni Tita Raquel nang pumasok kami sa botique nya.
"Ano palang ipagagawa niyo?" Nakangiting tanong ni Tita kay Mommy.
"A dress for Cat. A-attend sa wedding ni Shaun, e."
"Mmm, sige. Susukatan ko s'ya mamaya pero ano bang klaseng dress?"
"Simple lang po," ako ang sumagot.
"Ay, oo nga pala! Inimbitahan din kami, e. Isasama ko yung kaibigan ni Eliza na si Rachel."
Pilit lamang akong ngumiti nang marinig ang sabi ni Tita. She's pertaining to Rachel, iyong anak niya na childhood best friend ko.
"White and gold po ang theme nung kasal nila," I sighed.
"Mmm, sige. Halika na, susukatan kita."