Chapter 6

2032 Words
Chapter 6:CatVin "E, Sir, hindi ako nakagawa," napakamot ako sa ulo ko. Naiinis ako. Nakalimutan ko kasing gawin iyong presentation na sinasabi niya. Bakit siya? Hindi niya malimot-limutan 'yon? "I-present mo na lang yung nangyari nung nasa mall.." "'Wag naman yun, Sir! Tungkol sa akin na yun, e. Maraming chismosa sa paligid!" Paniguradong kapag nalaman nila 'yon, mai-issue na naman ako dito sa buong University na 'to. Nakakainis. Kilala ko pa naman ang mga taong mai-issue rito sa University na 'to. Mga hindi yata mabubuhay hangga't walang nasasagap na issue, mga hindi yata mabubuhay hangga't hindi nakaka-pangialam ng buhay nang may buhay. "Tss. I'll wait for that until tomorrow. Understood, Ms.West?" Tumango ako at palihim na napangiti. "Promise, Sir! Bukas na bukas!" Tinaas ko pa iyong kanang kamay ko na animo'y nanunumpa. Tinitigan niya pa ako saglit bago siya bumalik sa pagtuturo. Umupo akong muli at palihim na ngumisi. Bukas na bukas? Siyempre, hindi ko gagawin. Ano siya? Humanda siya sa akin dahil talagang pasasakitin ko ang ulo niya. Kasalanan niya ang lahat nang nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakagaganti sa kaniya. "Excuse me, students." Tumigil siya sa pagtuturo at tumungo sa desk niya para may kuhanin. Iyong phone niya pala iyon. Nangunot ang noo ko habang tinitignan siyang magpipindot doon na parang nagt-type. Isumbong ko na kaya 'to kay Dean? Tama bang mag-phone sa gitna ng pagtuturo? Napalingon silang lahat sakin kaya pinagtaasan ko sila ng kilay. Ano na naman kayang problema nang mga 'to? "Bakit ako!?" "Yung phone mo," kalabit sakin nung nasa likod ko kaya kinuha ko nanaman yung phone ko. Inis kong kinuha iyong phone ko at binasa iyong text. Unknown Number: Always wear your beautiful smile :) Napatingin ako kay Sir na nagta-type pa din. Sino kayang ka-text niya? Baka siya? Pero, imposible! How did he got my digits?! I typed my compose message. Ako:  Who you!? "Sir at Catriona, magc-cellphone na lang po ba kayo dyan?" Tumigil ako at nilingon si Sir. Nagkatagpo kami ng tingin dahil tinignan niya rin ako. Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagt-type, nakababa na ang phone ko para hindi nila makita. Matapos kong mai-send ang reply ay tinago ko na ang phone ko. Tumaas ang isang kilay ko nang biglang nag-ingay ang mga kaklase ko. Umugong ang malakas nilang kantiyawan sa amin na nakapagpangiwi sa akin. "Anong ina-ayiii n'yo dyan!? Magsitahimik kayo!" Inis kong sigaw. "Yiii! Nasa iisang room lang tapos nagt-text pa sa isa't isa! Yiii!" Sabat nung isa. Tumaas ang isang kilay ko. "Hoy! Katext ko si Mommy!" "Katext ko yung girlfriend ko," balik naman sa kaniya ni Sir. O, see? Girlfriend, Catriona. Girlfriend kaya imposibleng ikaw yun. "Ay, sayang!" "Anong sayang!?" Inis kong tanong. Nakakainis naman 'tong mga 'to! Sarap ihampas sa pader yung pagmumukha! "Wala!" Natawa na naman sila na parang timang kaya hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Napairap nalang ako nang muli silang nagtawanan. Para silang mga timang. "Kasi naman, e, bakit kasi nagt-text sa gitna ng klase? Ano po, Sir?" Sarkastikong tanong ko, binalingan si Sir na nakangiti pa rin sa phone niya. Bwisit na yan. Pinapasweldo siya dito tapos hindi niya ginagawa 'yong trabaho niya? Puro landian lang sa girlriend lang alam? Ano ba yan! "Ikaw lang ba ang may karapatan na magtext sa gitna ng klase ko!? Ano, Ms. West!?" sarkastikong sagot nya na akala mo ay may pake ako. "Tss. Sino bang may sabing nagtetext ako!? Binabasa ko lang naman, ah!" "Nagrereply ka naman!" "P-Pano mo nalaman!?" Parehong nanlaki ang mga mata namin sabay iwas ng tingin sa isa't isa. "W-Wala, umupo ka na at magdidiscuss ulit ako." "No, Sir! Kayo lang ba may karapatang magtext sa gitna ng klase? E, kami okay lang dahil hindi naman kami yung nagtuturo. E, ikaw? Huminto ka pa talaga para lang matext yang girlfriend mo! Tama ba yun? Pinapsweldo ka dito sa University na 'to tapos ganyan ginagawa mo!?" Hingal na hingal ako nang tumigil ako sa pagsasalita. Daig ko pa 'yong rapper na hindi na halos humihingi, mai-rap lang 'yong verse niya. Rinig ko ang pag-"ooh" ng mga kaklase ko ngunit inirapan ko lang sila. Para talagang timang. "E 'di palit tayo! Ikaw magturo dito, ako uupo dyan!" Malakas na tawanan ang namayani sa buong room. I arched a brow. "Paano kung ayaw ko? May magagawa ka?" "E, paano kung gusto ko? May magagawa ka?" "Aba? Magturo ka na nga dyan! Nakikipagsagutan ka pa, e!" Pinanlakihan ko siya ng mata. "No, Ms. West!" "E 'di don't!" Umupo ako at nakipagtitigan sa kanya. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay habang deretsong nakatingin sa kanya. Titig na titig naman sya sa akin na akala mo susunggabin n'ya na ako. Tss. "Nice! Staring contest?" Sabat ni Leo. "Ship! Ship! Ship!" Pagc-chant pa nila. "Alam ko na! CatVin!" Sigaw nung isa. Sabay kaming napalingon dun. Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit masyado siyang matapang ngayon dahil marami siyang kasama kaya hindi niya ako pinansin. "'Yon! CatVin! CatVin! CatVin!" Sigaw pa nila. "Shut up!" Sigaw ko. "CatVin! CatVin! CatVin!" "Ano!? 'Di mo manlang sasawayin 'tong mga estudyante mo!?" Inis na sigaw ko kay Sir na hinahayaan lang sila. Mukhang tuwang-tuwa pa syang pinagp-piyestahan na kami dito ng mga walang hiyang 'to. "Class, class, shut up! Kinikilig na masyado si Ms. West." Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. "Yiiii!" "CatVin! CatVin! CatVin!" Sari-saring kantyaw pa ang narinig ko kaya naman hindi ko na mapigil pa ang sarili ko't napasigaw nalang. "Ako? Kikiligin? Sayo? Si Shaun ka!?" "'Wag ka nang magpakatanga sa kanya, Cat." "Wow! Close ba tayo para tawagin mo akong Cat!?" Nanggigigil na ako, ah. 'Wag niya akong simulan. "Boyfriend mo ako, 'di ba!?" He smirked. Malakas na tili ang narinig ko galing sa mga babae kasama na si Leo, pinagpapalo naman ng mga lalaki ang desk nila. Mga siraulo! "Hoy! Ikaw boyfriend ko!? Kilabutan ka nga!" "Sus! Tanggi pa. I know naman na gusto mo rin." Nagsitawanan sila kaya pinagi-irapan ko sila isa't isa. Nangangati na 'yong kamay ko na parang gusto nang manghampas sa sobrang inis. Gusto ko nalang magwala at magbabato ng gamit para ilabas 'tong inis na nararamdaman ko. "Tse!" "Hush now, baby." Kumindat siya. Baby... Kinilabutan ako nang marinig iyon. What the heck? "Baby? Baby mo mukha mo! Mukha ba akong sanggol para tawagin mo akong ganyan?!" "But, you're my baby..." Nagsitilian na ulit sila kaya tinakpan ko ang tenga ko at galit na tumingin sa kaniya. "Pwede ba? Imbes na mangulit ka ng estudyante mo, magturo ka na lang, ah!" "Okay, baby.." "Tse!" Irap ko sa kanya. Nagbalik s'ya sa pagtuturo nang naalala ko na naman yung text. "Guyss!!" Tawag ko sa lahat kaya bumaling sila sakin. "Shut up," si Sir. Hindi ko siya pinansin at inirapan lang. "Who knows my digits?" Tanong ko."Boys lang.." Nagakatinginan silang lahat at sabay-sabay na umiling at tumingin kay Sir. Taka ko silang tinignan. "Ano? Walang sasagot?" "Puro babae lang ang nakakaalam ng number mo dito, kasama na ako," he flipped his imaginary long hair. Akala mo naman talaga mahaba ang buhok, e.Naka-boy's cut naman siya. Tss. "Babae ka ba?" "Oo naman, 'no! Puro girls lang at gay ang nakakaalam ng number mo. Kasi naman, 'te, bakit pinaglalandakan mo ang number mo? Pero may isang lalaki lang talaga ang nakakaalam ng number mo dito, e.." Napatingin sya kay Sir kaya lalong kumunot ang noo ko. "Sino?" Kunot-noong tanong ko. "Bukod kay Sir, wala na," ngumisi siya. "H-Huh?" "Kinuha sa amin ni Sir yung number mo, e." Napatingin ako kay Sir. Pero imposible namang siya yun, 'di ba? Imposible talaga. Unang-una, bakit naman siya interesado sa number ko? Pangalawa, bakit niya naman yun kukunin? "Tinanong ko lang yung digits mo para kapag absent ka. Halos lahat din naman sila ay tinanong ko yung digits, e." sagot  ni Sir, hindi makatingin sa akin. Napatango tango ako. Bumalik silang lahat sa ginagawa nila at ako naman ay napaisip. Bakit nagtutugma lahat nang text sa kaniya? Pero imposible talaga, e! Bakit niya ako it-text, 'di ba? Wala naman siyang kailangan at hindi naman ako absent kaya imposible yun. Sa kaniya na mismo na galing na para lang yun kapag absent ako. Nothing more, nothing less. Nagvibrate 'yong phone ko kaya dali-dali kong tinignan iyon. Erianne: Wala daw gusto pero sila na? Wow! May pa 'CatVin'-'CatVin' pang nalalaman? Yuck! Baby? Eww. Mahina akong napamura dahil sa nabasa ko. Ano bang problema nito ni Erianne? Nagseselos ba siya? Kung nagseselos siya, sabihin niya at nang maisaksak ko si Sir sa baga niya! Tsh. Thea: Napanuod ko yung video niyo. So, kayo na nga? Hindi mo manlang sinabi sa amin na kayo na pala. Nakakatampo ka :( Video? Anong video? Nireplyan ko agad si Thea. Ako: Kami? Walang kami. Asa naman, 'no! Sila yung nangngasar sa amin. Who the heck posted the video? Wala pang limang minuto nang magreply siya kaya agad kong tinignan iyon. Thea: One of your classmates. Check the video on Sir Arvin's group page. Nag-log in agad ako sa social media account ko at hinanap iyong group ni Sir para hanapin iyong video na sinasabi sa akin ni Thea. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang meron nga. Si Cala ang nagpost! Tiningala ko ang ulo ko at iginala ang paningin ko. Nakita kong nakatingin sa akin si Cala kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Humanda ka," I mouthed. Umiwas siya ng tingin kaya muli kong binalingan ang phone ko. Ang daming shares at puro pangc-chismis ang ginawa nila. Probably, mga inggitera yung galit na galit sa akin. Galit na galit sila kasi pinapansin ako ni Sir? Aba, baka gusto nilang isaksak ko sa mga baga nila si Sir! Umirap ako nang makita ng comment. Sus. Magagaling lang kapag sa social media, wala namang buga 'pag hinarap sa personal. Tipong nangangatal pa. Tss. Inis akong naglog-out at nakinig na lang ng discussion nang kahit papaano'y may matutunan naman. Lumipas ang mga oras at break time na, lahat ng kaklase ko ay lumabas ng room. Ako lang yung natira. Ang galing. Loner ang peg ko ngayon, ah? Bwiset kasing mga kaibigan 'to. Galit na galit? Selos? Tch. "Ms. West, may gagawin ka pa ba?" Biglang nagsalita si Sir kaya tinapunan ko siya ng tingin. "Wala," I answered, boredly. "Pakitulungan mo naman akong magcheck, o." "Tss, ayoko nga! Teacher ka kaya ikaw ang gumawa nyan!" Inis na tugon ko. "Sige, hindi nalang kita sasamahan dun sa wedding.." "E 'di don't!" Umirap ako at muling tumingin sa desk ko. Bahala siya! "E 'di sasabihin ko sa parents mo na boyfriend mo ako." Nanlaki ang mata ko habang nag-aangat ng tingin sa kanya. "Hoy! For your information, kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sayo!" "Tulungan mo na lang ako." "Tss, tatlong papel lang." "Nakng! Tatlo!? What the heck?!" "Akin na nga!" Sabi ko sabay hablot sa mga papel na hawak nya. "Akin na 'yan!" Pilit nyang kinukuha yung papel sa kamay ko pero dahil matigas ang ulo ko ay di ko yun binigay at tinignan Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga iyon. I blushed when I saw my photos on the paper that I'm holding. "A-Ano to!?" Kinakabahang tanong ko. Bakit siya may hawak na ganito? I mean, bakit puro pictures ko ito? Bakit siya mayroong ganito? Anong gagawin niya dito? "P-Picture mo," umiwas siya ng tingin. "W-What? Bakit meron ka nito?" "K-Kailangan yan sa office m-mamaya hinihingi ni Dean, e." "P-Pero bakit akin?" "H-Hindi ko alam..." "Nasaan na y-yung papel?" Ibinalik ko na sa kanya yung pictures ko. Kitang-kita ko pa ang pamumula ng tenga niya pero hindi ko na pinansin iyon. "I-Ito oh.." sabi nya sabay abot ng mga papel. Umupo ako sa tapat nya at chineckan yung hawak kong papers. Biglang pumasok sa isip ko si Stella na tumulong pa sa pagpapakalat ng video. Kailangan niyang maturuan ng leksyon. "Uhm, S-Sir? May laro p-po ba ng volleyball mamaya?" Tanong ko. "Oo, bakit?" "M-May panonoorin lang ako..." Player si Stella ng volleyball. Magaling naman s'ya pero mas magaling sya sa pang-aakit at paglalandi sa mga lalaking player. Pinagpatuloy ko lang yung pagchecheck ko. Nang matapos ako ay dumeretso na ako ng Gymnasium. "Nasaan si Stella!?" Galit na sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD