Chapter 7

1377 Words
Chapter 7:Trapped "Nasaan si Stella!?" "What do you need?" Mataray na tanong ni Kim at lumapit sa akin. She's Stella's sister. Oh, wait, I think evil sister is the right term. "Nasaan nga si Stella!?" Ulit ko. "Why!?" Napalingon ako sa likod ko. I faced her with my raised right eyebrow. She's now wearing her volleyball uniform while holding a bottle of juice. Galit akong tumingin sa kanya at lumapit. She stayed in her place and raised her right eyebrow, too. Dahil masyado s'yang mayabang ay hindi nya napansin ang pagtulak ko sa kanya kaya mabilis s'yang tumilapon sa sahig. Dahil madulas ang sahig ay napaurong pa sya. Nagulat yung mga nasa likod ko sa ginawa ko. "Anong kinalat mo!?" Fuming mad right now, I asked. She smirked. "Why? Bakit ka naman mahihiya na boyfriend mo na ang isang Arvin Llaneza? Ang alam ko kasi hindi s'ya napatol sa katulad mo." Tumayo s'ya at pinagpag ang damit n'ya na parang walang nangyari. Hawak-hawak n'ya pa rin yung juice n'ya kaya mabilis ko yung hinablot. Dali-dali ko itong binuksan at tinapon sa mukha n'ya. Nalaglag ang panga niya kasabay ng mabilis na pagtulo sa kaniya n'ong juice na itinapon ko sa kaniya. "Stella!" Hiya n'ong mga nasa likod ko. "Ew, gross! I'm so sticky na! You, girl!" Dadakmain niya na sana ako pero mabilis kong tinampal ang kamay n'ya kaya nasampal ko s'ya nang malakas. Hindi pa ako nakuntento. Tinulak-tulak ko pa siya. "Ako? Magiging boyfriend yun? Asa!" Gigil na gigil ako ngayong oras na ito kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis ko siyang sinampal gamit ang dalawang kamay ko. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa galit at dahil na rin sa lagitik ng sampal ko sa pisngi niya. "A-Aray!" Sasabunutan na sana n'ya ako kaso hinila ko yung kamay n'ya at tinulak s'ya. "Kayo? Hindi manlang ba kayo tutulong?" Inis na baling nya sa mga chismosang nakatingin lang sa amin na nasa likuran. "Wag ka nang humingi ng tul--bitawan mo ako!" Napasigaw ako nang may kumapit nang mahigpit sa buhok ko. Damn, Kim! "'Wag na 'wag kang mangingialam dito, ha!" Mula sa pagkakasabunot sa akin ni Kim, dali-dali kong kinuha ang buhok niyo mula sa likuran ko at hinila iyon dahilan para dumulas siya at mabitawan ang buhok ko. Matapos kong hilahin nang malakas ang buhok niya ay initsa ko siya sa kapatid niya dahilan para bumagsak siya sa ibabaw nito. Sabay silang napahiyaw dahil sa sakit. "Ito lang ang masasabi ko sa inyo. Tigi-" Napahinto ako nang makita ko si Dean. Kinabahan ako nang makita siya sa entrance ng gymnasium. May katabi siyang babae na siguro'y ayun yung nagsumbong. Bwiset na mga tao dito sa University, mga sumbongero't sumbungera! "Ms. West, kailan ka ba titigil sa kalokohang ginagawa mo!?" Nakailang buntong hininga na ako habang dinadama ang lamig ng aircon na nasa tabi ko lang. Nandito na naman ko sa Dean's Office. Yung dalawa namang tinulak ko ay nadala sa clinic dahil nagkasugat dahil sa tulak ko. Tch. Using their ka-drama-han again. Problema kasi sa kanila, masyado silang pa-victim! "Sila naman nauna, e!" Depensa kong muli sa sarili ko. "Pero, bakit kailangan mo silang saktan?" "Sumusobra na sila! Tama lang yung ginawa ko!" Giit ko pa. "No! No! No! Bilang parusa ay bumalik ka sa room nyo at tulungan mong magcheck si Mr. Llaneza." "What!? Hell, no!" "Now!" I frowned. Inis akong tumayo at nagmartsa paalis ng office niya at dumeretso sa room, wala na nang nagawa. Mas malaki lang ang magiging problema kung tatawagan niya pa sila Mommy. Bumalik ako ng room at wala na dun si Sir. Wala na din dun yung gamit nya. Naglakad-lakad pa ako nang makita ko s'ya sa isang room.Nakasalubong ang mga kilay ko habang pinapasok ang room kung nasaan s'ya. "I heard the news, umupo ka na dito," salubong niya. Tahimik akong umupo sa upuan na nasa harapan niya at bumuntong hininga. Ito na naman po tayo. Arvin and his damn papers. Lumapit siya sa akin at ini-abot yung mga papel. Busangot ang mukha ko namang tinanggap iyon. Habang nagchecheck ako ay rinig ko yung pagsara ng pinto kay napalingon ako dun. Unti-unti itong sumasara. "Buksan mo lang yung pintong yun dahil once na lumapat yun ay hindi na tayo makakalabas dito." Mabilis akong tumakbo habang may awang pa yung pinto kaso saktong pagpunta ko sa harap ng pinto at may nakita akong kamay kaya sumara yun. Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang paghulog ng panga ko. "Hoy! Buksan mo 'to!" Sigaw ko at pinagpapalo yung pinto. "Bakit?" Kunot-noong baling sakin ni Sir. "Na-lock tayo!" Mabilis s'yang nagpunta sa tabi ko habang hinahampas na din yung pinto pero ayaw na mabuksan. He tried turning the knobs ngunit mukhang nai-lock na ngang talaga itong pinto. Ang malala pa rito ay may taong naglock sa amin rito. "Paano na ako makakuwi nito? Baka hanap na ako nina Mommy't Daddy!" Parang batang ngawa ko. "Tsk. Dapat kasi binilisan mo, e." "Wow, ha? So, ako pa may kasalanan? E, may naglock satin dito kasi may nakita akong kamay!" Umiling-iling siya, parang dismayado pa. "Gawan mo nang paraan 'to!" "Wait..." Kinuha n'ya yung phone n'ya pero agad din n'ya yung binaba at bumaling sakin, "Naka-off yung phone ni Dean, number n'ya lang ang alam ko eh." "Paano na yan?" "Guess we're trapped here, baby..." Nagtayuan ang balahibo ko nang dahil sa pagtawag niya sa akin. "Tigilan mo nga ako sa katatawag ng baby! Lahat nalang talaga nang nilalandi mo ay baby ang tinatawag mo, 'no?" Inis na tanong ko. "Nah. You're wrong, ikaw lang ang tinawag kong baby," he grinned. Halos mapatampal ako sa noo ko dahil sa isinagot nya. Didn't he get my point? Gosh. "Tss. I don't care, okay!? Tigilan mo nga yang paglalandi mo at gumawa ka nang paraan!" "Hindi ko matawagan si Dean. Digits n'ya lang ang meron ako. Yung ibang teacher dito, wala. It means, you will spend the night with me, baby," diniinan nya pa yung pagatawag ng baby. Damn, damn, damn! "Tse!" Umirap ko at bumalik sa upuan ko at nagsalpak ng AirPods. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Kinalabit nya ako pero hindi ko s'ya pinansin, pinagpatuloy ko lang yung pagchecheck. "Cat..." Inis ko syang nilingon at hinila ang isang AirPods ko. "Wag mo nga akong tawaging Cat! Hindi tayo close!" Sigaw ko mismo sa mukha nya. Hindi niya ba nararamdamang naiirita ako sa kaniya? Imbes na mangulit siya, dapat ay humingi na lang siya ng tulong. "Don't shout, okay? I just want to ask some questions." "Quit asking. May ginagawa ka, may ginagawa ako kaya manahimik ka nalang dun! Ano pa bang gusto mo?" "Ikaw." Gulat ko siyang nilingon. "A-Ano!?" "H-Hindi! I mean, i-ikaw na lang ang may ginagawa! K-Kaya nga tutulungan na kita." Ngumisi ako at binalingan ang lahat nang papel. Kinuha ko iyong lahat at ibinigay sa kaniya. "Ikaw na mag-check tinatamad ako, e." Kumuha ng ako ng isa pang silya at pinagdikit yun, tinaas ko yung paa ko tsaka ko tinakluban ng bag ko yung legs ko. Tahimik lang si Sir habang nagchecheck sa tabi ko, ako naman ay kinuha ko yung phone ko. Ang daming missed calls at texts. Mom:  Where are you?! I'm worried! It's seven-PM and you're still not home! Rereplyan ko sana si Mommy ngunit napasimangot nalang ako nang hindi iyon magsend. Sinubukan ko ulit mag-text ngunit mukhang wala na akong load ngayon. Dad: Where are you, Eliza? Your Mom and I are waiting for you. It's getting late. Textback, as soon a possible. Napakamot ako sa ulo ko. Wala akong load! Nakakainis. Nilingon ko si Sir na nakatingin na rin pala. "Tinitingin-tingin mo!?" Napahawak ako sa tyan ko nang sumakit yun. I'm starving! Urgh. Humanda talaga sa akin yung naglock sa amin dito. Nagugutom na ako. Kapag nalaman ko talaga kung sino itong naglock sa amin, baka kainin ko siya nang wala sa oras. "Tabi nga dyan!" Inis na sigaw ko sa kanya. "Bakit ba lagi ka nalang nagagalit sa akin?" Inis na tanong niya. "You're so annoying kasi!" "No need to shout, okay?" "Tse! Umalis ka sinabi dyan!!" "No." "Alis, sabi!" Sumigaw na naman ako, galit na nakatingin sa kaniya. "Isa pang sigaw mo, Catriona. May kalalagyan yang labi mo." "P-Uhmp!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD