Chapter 2

1361 Words
Chapter 2:Here Comes Trouble Gulat na nakatingin sakin yung mga kaklase ko lalo na si Anne. Hindi ko pinansin iyon at sinamaan naman ng tingin si Sir at tuluyan ng dumeretso sa Dean's Office. Yare na naman ako kanila Mommy nito. Nakatayong hinintay ko si Dean sa loob ng office. Ilang minuto pa ay dumating na rin sya at si Sir. Masama ang tingin sakin ni Dean, si Sir naman ay pa-cool lang. Napairap tuloy ako. "Ms. West, ano na namang g**o 'to!? Tumigil ka na 'di ba? Bakit nangyari na naman 'to?" Kasalanan naman kasi ito ni Sir! Kung hindi niya lang ako pinuno, e 'di sana ay hindi mangyayari ang lahat nang ito. Hindi ko sana siya masasagot, hindi ko sana siya mababastos, at mas lalong hindi sana kami aabot dito. "S-Sorry, M-Ma'am.." Marahan akong napatungo para magpakumbaba. Hindi naman nakaligtas sa akin iyong pagngisi ni Sir nang makita ang ginawa ko. Hindi ko muna yun pinansin at tumingin muna sa mga daliri ko para paglaruan iyon. "Sorry!? Nambastos ka na naman ng Teacher mo! Wala ka talagang galang na bata ka! Ipapatawag ko ang magulang mo!" "W-What? No!" "Miss Jaycee, pakitawagan ang parents ng batang ito." At ganun na nga ang ginawa ni Miss Jaycee. Nakasimangot kong hinintay sila Mom sa office ni Dean. My Professor is smirking at me the whole time. Uh! He's really annoying! Makalipas ang trenta minutos ay dumating na din sila Mommy. Bakas ang galit sa mukha ni Daddy at si Mommy naman ay nagaalalang nakatingin sakin. Naka-corporate attire si Dad at mukhang galing pa siya sa kumpanya. Malalagot talaga ako kapag nalaman kong naabala pa sila sa kumpanya para lang puntahan ako dito at ang gulong pinasok ko. "Mrs. and Mr. West, nangbastos na naman ng Teacher iyang anak n'yo! Sinigawan at pinagsabihan ng kung ano-ano si Mr. Llaneza. Tumigil na ho yan pero inulit nanaman..." Si Dean. Bumaling sakin sila Mommy na para bang naghihintay ng sasabihin ko. Hindi naman ako kumibo at nanatiling tahimik na para bang hindi nakikinig sa sinasabi sa kanila ni Dean. "Is it true?" Kalmado ngunit bakas ang galit na tanong ni Dad. "Y-Yes, D-Daddy." "Anong usapan natin kapag nangyari ulit 'to, Catriona!?" "Calm down..." awat ni Mommy kay Daddy pero 'di pa rin s'ya nagpaawat. "S-Sorry.." "Bukas na bukas ay ihahatid na kita sa America. Aayusin ko nalang yung mga forms mo dito." Serysong sabi ni Daddy kaya nainis ako. "I don't wanna live there, Dad!" Sigaw ko. Nagtangis ang kaniyang bagang at sinamaan ako ng tingin. Napanguso ako. "Bakit hindi mo gayahin ang Kuya mo!? Mag aral ka nang mabuti kagaya nya hindi yung kung ano-ano ang pinaggagawa mo! Nasaan ang Kuya mo ngayon? The best Architect na sa New York! Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" That's the reason why I hate my Dad. He always compares me to my older brother, Kuya Tyler. E kung tutuusin ay mas matanda naman sa akin si Kuya Tyler kaya malamang ay may naabot na 'yon. E, ano ngayon kung Architect na si Kuya doon? Ikayayaman ba ng Pilipinas 'yon? "But, Dad! I'm not like him! Hindi ako si Kuya Tyler." Bumuntong hininga ako kasabay ng pangingilid ng luha ko. I maybe a stubborn child but I'm really soft. Kaunting bagay ay nagpapaiyak sa akin. I'm really sensitive na maski pagsigaw lang ay pakiramdam ko, inaapi na ako. Natigilan na si Dean, Sir, at Daddy nang umiyak ako. "Cat.." Humikbi ako nang lapitan ako ni Mommy at mahigpit na niyakap. I snaked my arms around her waist to hug her back. Isiniksik ko pa ang ulo ko sa kaniya at dun umiyak. "M-Mommy..." "Ssh.." "Then fix your life!" Biglang sigaw ni Daddy. Napaalis ako sa yakap namin ni Mommy at nilingon si Daddy. Pinigilan ko ang sariling maiyak pa lalo kahit pa sinisinok-sinok na ako. "I'm trying to..." Paos kong sagot. Ginagawa ko naman, ah? Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang magseryoso. Hindi ko kayang hindi gumawa ng kalokohan. I want to be free. Gusto kong malaya kong nagagawa lahat ng gusto ko kaya hindi ko sinusunod ang lahat nang gusto nila para sa akin. Para saan pa kung hindi naman ako masaya. Masaya ako sa kung anong ginagawa ko ngayon at kung nakaka-agrabiyado ako ng tao, hindi ko na problema iyon. "Don't try it, do it!" "Ginagawa ko naman ang lahat! Pero hanggang dun nalang talaga ang kaya ko!" Naiiyak na sigaw ko. I'm really trying my best to be a better person or student but I really can't. I'm still enjoying my life... My everything. Hindi ba pwede iyon? "Catriona, you're grounded!" Nang makalabas kami ng Dean's office ay umalis na rin sila Mommy. Wala na rin kaming class kay Sir kaya hindi ko na nagawa yung presentation. Mabuti na iyon lalo't wala akong nagawa kagabi. Hindi ko naman alam ang gagawin ko, e. Love? Love-love pa, masasaktan din naman. "Ms. West, ganyan nalang ba talaga ang ayos mo?" Naga-alalang tanong ni Ms. Pilapil. Tinutukoy niya ang mata kong mugto na dahil sa kaiiyak ko kanina nang umalis sila Mom. "I'm ok, miss.." Marami na rin ang nakaalam sa nangyari kanina. They've witnessed how I cried like a hungry baby craving for its milk. Nakita nila lahat kaya naiinis ako. Kung pwede nga lang kausapin iyong gumawa ng school na ito ay gagawin ko. Sisisihin ko lang siya dahil ginawa niyang glass iyong wall ng office kaya kitang-kita iyong nangyari kanina. Wala manlang sumaway. Bumalik sa pagturo si Ms.Pilapil at hindi na ako inintindi pa. Umiwas nalang rin ako ng tingin at hindi na siya inintindi. Hindi ko naman kailangan ng awa niya. "You okay?" Untag ni Keith. Nasa cafeteria na kami ngayon pero hindi ko na sila pinansin. Wala ako sa mood. Naga-alala man sila sa lagay ko pero wala silang magawa. Sinusulyapan lang nila ako pero di ko sila pinapansin. As I've said, wala ako sa mood na makipag-usap sa kanila ngayon. Nang makakain kami ay panay lang ang sulyap nila sakin pero di ko pa rin pinapansin. Hindi ko rin natapos ang pag-kain ko dahil tumayo na ako. Pipigilan pa sana nila ako ngunit nang makita nila ang reaksyon sa mukha ko ay tumigil na lang sila at hinayaan ako sa gusto kong gawin. May klase na naman kasi ako sa bwisit na Teacher na 'yon. Kung pwede nga lang um-absent ay gagawin ko ngunit ayaw ko namang dagdagan pa lalo ang mga kalokohan ko ngayong araw. Lagot na nga ako mamaya pag-uwi ko, malalagot pa ba ako? Isa pa, baka nga huling araw ko na rito dahil mukhang tototohanin na ni Dad ang gusto niyang ipadala ako sa America para doon manirahan kasama sina Lola. "Ms. West, are you okay now?" Naga-alalang tanong din ni Sir pero 'di ko sya pinansin. Kasalanan niya ang lahat nang nangyari. Hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa kaniya. Umupo lang ako sa upuan ko at tumungo. "Catriona.." May kumalabit sakin galing sa likod kaya blangko ang ekspresyon ko nang nilingon ko sya. "What?" "Yung phone mo, kanina pa nagflaflash.." Tinignan ko yung phone ko at nagf-flash nga dahil naka-on pala ang flash kapag may notifications ako. Hinayaan ko nalang iyon at tinignan ang mga sandamakmak na text na natanggap ko. Keith: Hope you're okay. Thea: You okay? Erianne: So, what's their plan? Going to America tomorrow? Mom: Hey, nak, don't mind your Dad. Nadala lang yun sa galit dahil stressed na sa kumpanya tapos dumagdag ka pa. Don't worry, I'll convince him na hindi ka dalhin sa states. Wala na nga rito ang Kuya mo, aalis ka pa ba? Nakadagdag pa ako? Nagmukha naman akong pabigat sa kanila. My eyes widened when I saw a message from the one who texted me yesterday. Hindi niya talaga ako tatantanan, e, ano? Unknown Number: Hope you're fine now. Nireplyan ko nalang silang lahat bukod doon sa huling text message na natanggap ko na galing doon sa hindi ko naman kakilala. Napaisip tuloy nang dahil sa kaniya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman iyong kanina. Basta, ang alam ko lang ngayon, sigurado akong taga-rito lang rin iyong taong kung sino mang nanggagambala sa akin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD