Chapter 1

3021 Words
Chapter 1:Facebook "Ms. West, stand up!" Nagulantang ako sa pagsigaw sa akin ng Teacher ko. "S-Sir..." Kabado akong napatayo at marahan siyang tiningala. Wala akong ibang makita sa mukha niya kung 'di pagkairita. "Kanina ka pa nakatulala! Lutang ka nanaman! Lagi ka na lang lutang tuwing nasa klase ko!" Sigaw niya sa akin. "S-Sorry, Sir..." Pagpapaumanhin ko at tumungo. "Get out of my class! Meet me in this room at three-PM sharp!" Napabuntong hininga ako at hinagilap ang bag ko para isukbit iyon sa balikat ko. Kinuha ko ang mga librong hindi ko naman nagalaw tsaka ito binuhat. Sinulyapan ko muna ang mga kaklase kong pinanonood ang bawat paggalaw ko. Inirapan ko sila isa-isa bago ako tumalikod at lumabas ng classroom na iyon para tumungo sa library kung saan gusto akong papuntahin ni Sir. Ano bang magagawa ko? Pinapupunta ako dito ni Sir at para wala nang g**o pa ay susunod na lang ako sa kaniya. Tinatamad akong makipag-diskusyunan kaya gagawin ko ang gusto niya ngayon. Ngayon lang naman. Ganyan na talaga si Sir, ayaw na ayaw talaga niya ng lutang sa klase niya. Ewan ko ba kung bakit lutang na lutang ako tuwing nasa klase n'ya ako. Gwapo naman 'yan si Sir, e. Matangkad, maputi, mabait, nakalalaglag panga at panty para sa karamihan ngunit 'wag nila akong igaya sa kanila. Kahit pa ganito ang itsura ni Sir, nagmumukha pa rin siyang tatandang binata dahil palagi na lang mainit ang ulo niya. Siya ang pinakagwapong teacher dito sa University'ng ito kaya lahat na lang ng estudyante dito ay may gusto sa kaniya, kahit ibang teacher pa nga,e. Mabait naman yan, medyo strict at mainitin ang ulo lang talaga.Siya ang ultimate crush ng mga kaibigan ko pero ewan ko ba kung bakit hindi ako natatamaan sa charm n'ya. Siguro dahil hindi pa ako nakakamove on sa ex ko? I don't know. Wala,e. Mahal ko pa. Paano ako magkakagusto sa iba kung iisa lang naman ang gusto ng puso ko kahit wala nang pag-asa? Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating ako sa library. Medyo may kalayuan iyon sa building na pinanggalingan ko kaya ilang minuto ang inabot para makarating ako sa loob. Nang makapasok ako ay naghanap agad ako ng mauupuan at doon na sinayang ang oras ko. Keith: Anong balita? Nakita ko si Sir, ah? Sino pa bang sir?? E 'di si Sir Arvin. Sir Arvin Llaneza, hot but strict sya. Gwapo but masungit. Intelligent and smart. Oh? Saan pa kayo?? Sa kanya na! Insert sarcasm on my previous statement. I'm Catriona and I'm taking up Culinary, mahilig kasi akong magluto at iyon na talaga ang ginagawa ko simula pagkabata ko.May business na din kaming mga restaurants sa mga malls, Culinary din kasi ang kinuha ni Mommy but si Daddy ang kinuha dati ay Business Management. Binasa ko pa ang ibang text ng kaibigan ko. Thea: How are you? Nasigawan ka? Where are you? Paano naman kaya nakarating sa kaniya na nasigawan na naman ako ng Llaneza na 'yon? Siya lang talaga ang may ganang sigawan ako sa lahat ng naging Teacher ko dito, huh? Kapal. Erianne:  Saan ka? Hindi ko na sinagot pa ang mga text ng mga kaibigan ko, bukod kasi sa tinatamad akong magreply ay gusto ko munang mapag-isa. Baka kasi kung sabihin ko ay puntahan pa nila ako dito sa library. Knowing them, hindi mapakali kapag wala ako sa tabi nila na para bang dala-dala ko ang mga buhay nila. Tinignan ko kung may text si Shaun pero sad to say na wala. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko at pinindot iyong pagc-compose-an ng text. Napaisip ako saglit bago nagtipa ng sasabihin. Ako: Hi, how are you? After sending it, I immediately turned off my phone. I heaved a sigh. Ano bang magagawa ko? I still love him. It still hurts to see that he's doing completely fine and happy without me. Alam kong may bago na siya pero hindi ko talaga maiwasang itext pa din siya, umaasa na sasagutin niya pero para lang akong naghihintay sa pag-snow dito sa Pilipinas. Wala siyang sagot, kahit isang tipid na "hi" manlang. Tinignan ko 'yong oras at nang makitang malapit na mag alas tres ay tumayo na ako para lumabas ng library. Naglakad na agad ako papuntang building namin, as what I've said, malayo kasi yung building namin sa library kaya kailangan ko pang tumawid. After minutes of walking, nakarating na ako sa classroom at s'ya na lang ang nandun. Nakaupo s'ya sa swivel chair n'ya habang nakapatong ang mga siko n'ya sa desk nya, may binabasa sa isang papel na hawak-hawak niya. Mukhang seryoso siya sa binabasa niya dahil kunot na kunot ang noo niya at hindi niya manlang ako nagawang tignan, marahil ay hindi niya pa napansin ang presensya ko. "S-Sir." "You're late," seryosong sabi nito at tinapunan ng tingin ang wrist watch niya. Hindi ko s'ya sinagot at tinignan lang siya. Hindi naman ako late, masyado lang siyang maaga. "I want you to present tomorrow in my class, topic about love ang gusto kong i-topic mo dahil may kinalaman yun sa paga-aralan natin sa susunod na week..." "O-Okay?" Love? Para saan yun? "Stuttering, huh? Kinakabahan ka ba, Ms. West?" He smirked. "M-May sasabihin ka pa p-po ba, S-Sir? Gusto ko na pong umuwi." And here it goes again.. Why am I even stuttering? Mukha akong tanga. "Mmm..." Tumingala siya sa kisame, animo'y nagi-isip. Hindi iyon nagtagal dahil muli niya akong nilingon, "Yes." "B-But why, S-Sir? May iu-utos pa po ba kayo?" "Nothing. You'll stay here with me." Tumaas ang isang kilay ko. Stay with him? Why would I even stay with him? Are we close? As far as I know, I'm not his bodyguard. "Bakit po?" Inis kong tanong "Kailangan kitang itutor." Nahulog ang mga panga ko. Tutor? What the.. Is he serious? Kailan pa ba ako nabobo sa paga-aral para i-tutor niya? "B-But, why!? I don't need that!" "You're failing my subject, Ms.West." I rolled my eyes. "Take a seat.." Sinenyas niya ang upuan na nasa harapan ng desk niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko at walang nagawa kung 'di umupo doon. Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Biglang pumasok sa isip ko ang mga kaibigan ko. I took my phone out to text them that I'm not going with them. Nagkayayaan kasi sila and I can't go because of this man infront of me. I swear, kapag nalaman kong pagt-trip-an niya lang ako ay talagang isusumpa ko siya. Don't he dare have fun of me or else, he'll see the inner demons inside me. "Phones down..." Ibinaba ko ang phone ko pero hindi ko iyon nilubayan ng tingin. Nagpatuloy ako sa pagt-type ng text ko para sa mga kaibigan ko. "I said phones down, focus on me.." Natigil ako nang marinig iyon. Umirap ako at itinago yung phone ko. I faked a smile and imaginary rolled my eyes. "You're taking up Culinary, right?" Hindi ko siya sinagot at nakipagtitigan lang. "Are you listening??" "Of course!" "I'm askin-" I rolled my eyes. "Yes! Magiging estudyante mo ba ako kung hindi!?" He tsked and avoided my gaze. Mukhang napagtanto niyang ang tanga ng tanong niya. Nanatili akong nakatitig sa kaniya hanggang sa bigla siyang tumayo. Pinanood ko siyang tanggalin ang salamin niya at dahan-dahang lumapit sa akin. "Do you need to shout?" Na-alarma ako dahil sa pag-upo nya sa tabi ko kaya naman umurong ako nang kaunti. Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang pag-irap na ginawa ko. "You need to focus, Ms. West. You'll fail if you didn't focus." Nakangising dagdag pa nya. Hindi ko alam kung nakailang lunok na ang ginawa ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Wala na naman siyang ibang sinabi ngunit balde-baldeng kaba ang nararamdaman ko ngayon sa hindi ko namang malamang dahilan. Ayaw kong isipin na ang presensya niya ang nakapagpapakaba sa akin. Hindi ba pwedeng mailang lang dahil ang lapit niya sa akin? Nagsimula na s'yang magturo kaya kinailangan kong makinig sa kaniya. I gave him my whole attention and all ears to listen to discussion. Naiinis ako sa ginagawa ko ngayon ngunit ang mas nakapagpapainis sa akin ay unti-unti ko nang naiintindihan ang mga tinuturo niya ngayon na hindi ko naman naintindihan noon dahil palaging lutang ang isip ko. "So, naiintindihan mo na ba, Ms. West?" He grinned. "Y-Yes..." "You may leave.." Sabi niya at tumayo na para muling bumalik sa table niya. Tumalikod ako habang inaayos ang gamit ko. Hindi naman nakaligtas sa kaniya ang pagm-make face ko. Ilang sandali pa, naiilang na ako sa katahimikan kaya kinuha ko na ang bag ko at naglakad na papuntang pinto. Tuluyan na sana akong makalalabas ngunit bigla niya akong tinawag kaya bagot ko siyang hinarap. "Catriona." "Yes, S-Sir?" "Yung iprepresent mo bukas, ah." "Yes, S-Sir." Nang tuluyan na akong nakalabas ay pakiramdam ko, nakalanghap na ako ng sariwang hangin. Nakahinga na ako nang malalim at walang iniisip kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at tumungo na sa parking lot para hintayin ang service ko. While waiting for our van to arrive, I felt my phone vibrated. I lazily took my phone out and checked it. Napakunot nalang ang noo ko nang makitang may isang text galing sa isang unknown na number. Hindi pa rin nawawala sa noo ko ang pagkunot lalo nang mabuksan nang tuluyan ang message. May isang simpleng heart emoticon doon na mas lalong nakapagpataka sa akin. I started composing my reply. Ako: Who are you? Wala pang dalawang minuto nang makapag-reply siya. Agad kong tinignan iyon. Sumimangot nalang ako dahil isang simpleng winking emoticon lang ang sinend niya. Ang hilig niya sa emoticon. Hindi na ako nagreply pa sa kaniya. Baka mamaya ay nant-trip na naman ito ng number nang may number. Mga mararami rin sigurong load kaya winawalang-hiya lang ang kung sino-sino. Mahigit isang oras na rin akong naghintay rito sa parking ngunit wala pa ring service ang dumarating. I started to feel irritated because of boredom. Ang tagal-tagal dumating, bagot na bagot na ako rito. Konti nalang din ang mga estudyante dito dahil kanina pa nagsiuwian yung mga ibang estudyante.Mga tumatambay na estudyante, Teachers, at nakatatandang Professors nalang ang nandito. Habang nakaupo ako sa isang bench sa parking ay may bulong bulungan at dahil hindi naman sila kalayuan ay narinig ko. "May girlfriend na daw si Sir? Nandyan daw ngayon." "Really?" "Yes. Talo tayo dun. Model yung girlfriend." Tsaka ko lang napagtanto na si Sir Llaneza na naman ang pinagu-usapan nila. Araw araw na lang ganito, araw araw na lang ay pangalan niya ang naririnig ko sa tuwing nandito ako sa University na 'to. Ganun ba nila kagusto yung mayabang na yun? Tama nga ang sinabi nung mga nagchichismisan dahil nakita kong naglalakad si Sir na may kasamang babae. Magkaholding hands pa sila. Pinagmasdan ko lang sila habang naglalakad papasok ng kotse. May biglang pumasok sa isip ko kaya dali-dali kong nilabas yung phone ko at kinunahanan sila ng litrato. I will post this on his fans' group page. Tignan ko lang ang reaksyon ng mga iyon. Napangisi ako sa naisip. May silbi rin naman pala ang pag-add sa akin nina Keith dito, e. Makaganti manlang sa mayabang na iyon dahil sa ginawa niyang pagsigaw at pagpapahiya sa akin doon sa klase niya kanina. Pwede niya naman akong hayaan nalang na hindi marinig ang tinuturo niya. Para namang mas ikayayaman ko lang lalo iyong ituturo niyang hindi ko rin naman magagamit sa totoong buhay. Dahil excited na ako sa mangyayari ay agad kong pinost sa group na yun yung picture ni Sir na kasama yung babae at nagcaption ng: "So sweet." Wala akong pake kung magalit si Sir dahil kayang kaya ko syang awayin. Malimit na ako ang laman ng Dean's office dahil sa mga ginagawa kong kalokohan pero agad ko ring inihinto yun. Bakit?? Dahil pinagbantaan ako nila Mommy't Daddy na ipapatapon ako sa America with my grandparents. I don't wanna live there so I'll fix my life nalang. Fix my life... Hmm? Magagawa ko ba iyon? Parang hindi rin. Pero gagawin ko ang lahat para hindi nila ipadala sa America. Narito ang buhay ko, wala doon. Kung nandoon lang ako, baka wala na akong ibang ginawa kung 'di makipaglandian sa mga mahaharot ring Amerikanong kasing-edad ko lang. Nang dumating ang service ko ay agad akong umuwi. Sinalubong ako ni Mommy na nasa living room kaya hinalikan ko ang pisngi niya nang makalapit. "How's school?" She asked. Ibinaba niya ang hawak niyang iPad at nginitian ako. Umupo ako sa couch at bumuntong hininga, animo'y pagod na pagod na galing school e kung tutuusin ay pagiging lutang lang naman ang ginawa ko buong araw. Kasalanan ko bang parang may pakpak ang isip ko na bigla-bigla nalang lumilipad sa kung saan.  "I'm tired, Mom. I need some rest. I hate my teacher, uh!" I acted as if I was a kid whose whining because I didn't get want I want. Daig ko pa iyong batang nagt-tantrums kung umasta. Nagaalalang tumingin s'ya sakin. "Why?" "Ugh! He's so annoying! Alam kong may kasalanan din naman ako pero nakakainis pa rin," nakangusong sumbong ko. Her eyes squinted. "Mmm? Bakit naman?" "I don't know," I crossed my arms. "Mmm, okay. Kumain ka na?" "I'm not hungry. Akyat na ako." Tsaka ako tumayo at muling kinuha ang mga gamit ko. Isinampay ko sa balikat ko ang jacket ko tsaka yumukod para halikan sa pisngi si Mommy. Tinapik niya muna ang balikat ko bago ako hinayaang maka-akyat sa itaas at pumasok sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay hinubad ko agad ang sapatos na suot ko at hindi na inabala pang itabi iyon, hinayaan nalang na nakakalat sa harap ng pintuan ko. Initsa ko sa kung saan ang bag ko at pati na rin ang jacket kong kanina lang ay nakasampay sa balikat ko. Kinuha ko iyong laptop na nasa study table ko at dumapa sa kama. Pumasok sa isip ko iyong post ko kaya dali-dali akong nagbrowse, only to find out na sabog na naman ang notifications ko. Mas lalo lang akong naging curious kaya tinignan ko iyon. My mouth turned into an "o" shape, my eyes widened after seeing my post. Binabaha iyon ng mga reaksyon, kumento, at mga shares. Public pa naman itong group na pinag-post-an ko kaya lahat sila ay makapags-share nito at makikita rin ng ibang wala sa group. Kaya pala ganito rin kadami ang mga langaw na dumidikit sa post ko na nagsisilbing pagkain. Inabot ng ilang libo ang reaksyon sa post ko, lampas isang libo naman ang mga kumento at sobra-sobra pa sa limang libo ang nag-share. Umangat ang isang sulok ng labi ko at napatawa sa sariling kalokohan. Pumunta ako sa mga comments at isa-isang binasa ang mga comments nila. Nakita ko din yung comment nila Keith. Maraming bash tungkol sa babae kaya ngumisi ako. Bahala kayo magkagulo. Hmm. Natawa ako sa pinagsasabi ng mga kaibigan ko kaya ini-'haha' ko ang mga comments nila. Marami pang comments pero hindi ko na binasa yung iba dahil sa dami nila. Naglog-out na muna ako at sinara ang laptop ko. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong makatulog. Kinabukasan, pagpasok ko ng University ay maraming bulungan at maraming mata na ang nakatingin sa akin. Naalala ko yung post ko kaya dali dali kong kinuha yung phone ko at nag-log in. Napangiti ako nang makitang mas lalong dumami yung reacts, comments, at shares sa post. Inabot ng ten-thousand ang mga nag-share ng post ko kaya napatawa ako nang malakas. Hindi ko akalaing ganito pala kadami ang mga nahuhumaling sa kaniya. Nang makapasok ako sa class ko ay si si Erianne ang bumungad sa akin. Sinalubong nya ako nang malaking ngiti na syang ipinagtaka ko. "Uy, ikaw ah! May gusto ka rin pala kay Sir!" Napangiwi ako sa panunukso n'ya. Hindi ko alam kung ano na namang kalokohan ang pumapasok sa isip niya ngayon at naiisip niya ang mga ito. "I'd rather be in hell, Erianne," inis na tugon ko at napairap. "'Di mo ba nakita comment nya sa post mo?" Kinuha nya ang phone n'ya at may kung ano-anong ginawa dun. "Mi-nen-tion nila si Sir sa comment section and then look..." Nairita ako sa halakhak niya kaya umirap ako. Inagaw ko sa kanya ang phone n'ya at halos lumuwa naman ang mata ko sa comment nya. "What the hell?" I murmured. Arvin Llaneza: Tss. Ikaw talaga, Ms.West. I think we need to do something about your jealousy. May pa-sweet-sweet ka pang nalalaman dyan. Uy, nagseselos special student ko! Special? Selos? What the? "Nasan yung lalaking yun!?" Napasigaw ako nang dahil sa inis. Dali-dali nila akong nilingon, mga gulat dahil sa biglang pagsigaw ko. Nakita kong may sasagot pa sa akin ngunit napansin kong bigla silang napatahimik. "Ms. West?" Salungat ang mga kilay kong nilingon siya. Makita ko palang ang mukha niyang akala mo inosente ay kumukulo na nang husto ang dugo ko. "Hoy! Anong pinagsasasabi mo sa comments section!? Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin na may gusto ako sayo! Ilang page ba yan? Bakit ang kapal!?" I can't control my anger! Dang it! Wala na akong pake kung masigawan ko siya ngayon nang kung ano-ano, wala akong pake kung mapagsabihan ko siya ngayon, wala akong pake kung magmukha akong walang galang at walang respeto. Wala akong pake sa kaniya! Namula ito dahil sa galit kaya hindi ko mapigilang hindi mapatawa nang mapait. Great! Siya pa ngayon ang may ganang magalit ngayon!? "To the Dean's office! Now!" Umigting ang mga panga ko habang gigil na nakatingin sa kanya. "No!" "Ms. West!" "Bakit mo sinabi yun!? Ako!? Magkakagusto!? Sayo!? Asa ka!" Muling sigaw ko. May isang napasilip sa pinto ng classroom namin, nakita ko sa gilig ng mga mata ko ngunit hindi ko iyon nilingon. Naramdaman ko pang hinila ni Erianne ang kamay ko ngunit hindi ako nagpatinag sa kanilang lahat. "Ms. West." Natigilan ako nang marinig ang napaka-pamilyar na boses na iyon. Naging marahan ang paglingon ko sa kaniya at tsaka ko lang napagtantong si Dean iyong sumilip sa pinto ng classroom namin. "Ms. West! To the Dean's office, now!" Bwisit? Bakit siya nandito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD