"S-sinong gagawa nito kay Maggie? Eh diba, d-diba, eh diba kausap lang natin siya kagabi?! Pakiramdam ko tuloy ay may kasalanan ako sa kaniya, n-napakalaking kasalanan!" Mabigat ang bawat bigkas ni Gwen sa mga salita. Napasubsob siya sa dibdib ni Hector na hindi naman mawala-wala ang kunot sa noo.
May nakalagay na kulay dilaw na bagay ang nagsisilbing tali palibot sa pinangyarihan ng pagpatay kay Maggie at ang nakasulat ay 'crime scene do not cross.' Nagkalat na ang mga polisya sa baryo.
"Regina, san ka galing?" Tanong ni Arturio nang lumapit si Regina sa kanila nang humahagulhol. Kahit naman ay inis lagi si Arturio kay Maggie ay naging bahagi pa rin ito ng grupo nila ng magkakaibigan kaya hindi niya maiwasang mapaiyak.
"Ininterview 'hik' ako ng mga pulis, isa ako sa mga pinagsuspetsahan 'hik' nila!" Sagot nito. Ang mga mata niya'y magang-maga rin. Napunta sa kaniya ang atensyon ng mga kaibigan. "Guys! 'hik' Kasi nga diba ako yung huling nakausap ni Mags over 'hik' the phone! Kaya ito ang daming pinagtatanong sa akin. Buti na lang napatunayan 'hik' kong wala ako sa pinangyarihan ng krimen, kaya lang akala nila baliw ako! 'hik'..." Nilinis niya muna sandali ang salamin dahil nababasa na rin ito ng kaniyang mga luha. "K-kasi guys 'hik' hindi ko alam kung maniniwala kayo pero totoo!"
"Tell us Reg." Nakahalukipkip na utos ni Hector.
Ilang segundo muna ang lumipas at tsaka sumagot. "Si Marites." Hindi na nagawang makatugon at makapagbigay ng reaksyon ang mga kaibigan dahil isang matangkad na pulis ang naging distraksyon ng kanilang pag-uusap.
"Excuse me ho, kilala niyo ho ba ang biktima na ang pangalan ay Maggie Beal?"
"Opo inspektor." Sagod ni Hector.
"Maaari bang sumama kayo sa akin? May mga ilang katanungan lamang ako. " Inaasahan na ng tatlo iyon kaya't iniwanan na muna nila si Regina upang sumama sa pulis. Ang dalaga naman ay agad nagtungo sa lola ni Maggie na halos maglumpasay na sa lupa dahil sa nangyari sa apo.
Nakaupo silang lahat sa may kalakihang opisina ng mga kapulisan sa baryo. "Ako nga pala si Inspektor Fallcuna. Magiging mabilis lang ang mga katanungan ko sa inyo." Sabi ng sumundong pulis sa kanila at nagsimulang basahin ang nasa papel na hawak-hawak.
"Kaanu-ano niyo ang namatay na si Maggie Beal?"
"Kababata." Sabay-sabay na tugon naman nila.
"Dederetsuhin ko na kayo. Ayon sa lola ng biktima ay nagpaalam si Maggie upang puntahan ang bahay ng isa sa mga kababata niya."
Agad tumugon si Gwen, "Sa amin. Pumunta sa siya sa bahay namin kagabi."
"At ano ang pangalan mo hija?" Hindi naman nagkakalayo ang edad ng pulis sa mga magkababata.
"Gwendolyn po. Gwendolyn Baromez."
"Kung ganun Gwendolyn, maaari ko bang malaman ang pakay niya? Ano ang kaniyang ginagawa roon? Ano ang mga napag-usapan niyo?"
Nanuyo ang labi ng dalaga. Ilang beses itong napapikit, hindi alam kung paano sisimulan ang pagsagot. "Personal matters about the past." Napahinga ng maluwag si Gwen sa ginawang pagsagip sa kaniya ng nobyo.
Sa inaasahan ay nadako ang paningin ng inspektor sa kaniya. "At paano mo naman nasabi mister....?"
"Hector De Pollo. Kasama ako ni Gwen sa bahay nila, kasama ng buong angkan niya. Pumunta si Maggie sa bahay at may mga sinabi lang na hindi na namin gaanong binigyang atensyon. Hindi namin alam kung saan na siya pumunta pagtapos niyang umalis." Maikling sumulat ang inspektor sa isang kwaderno at pumaling naman sa direksyon ni Arturio na kanina pa lunok nang lunok, hindi dahil sa kaba kundi dahil isa isang kahon ng donut na nasa ibabaw ng mesa. Pinapairal nanaman ng katakawan kahit sa gitna ng krusyal na sitwasyon.
"Ah excuse me..." Patungkol ng inspektor sa kaniya.
"Ah! Yes sir! I am Arturio Lapad! You can call me Art! Because I love the art of the food!" Napatingin ang lahat sa kaniya, kahit ang ibang mga pulis ay napatigil sa sari-sariling mga gawain.
"Ah-eh-sorry! I-I was in the state of shock! Yah!"
"Umayos ka nga Art!" Utos ni Hector. Naging abala na ulit ang lahat”
"At ikaw, kababata ka rin ba ng biktima mr. Lapad?"
"Eto naman! Huwag nang masiyadong formal! Teka! At oho kababata niya ko."
"Maaari ko bang malaman kung nasaan kayo ng mga oras na---" Naputol ang sasabihin nito nang tumayo si Arturio mula sa pagkakaupo.
"Uunahan ko na kayo inspektor gwapo. Hindi ako suspek noh! Walang maaaring gumawa nun samin at wala rin kaming kilala pero sigurado ako na maraming kaaway iyong babaeng iyon dahil sa pasimpleng kamalditahan nun, isang patunay na yung gusto niyang agawin si Hector kay Gwen!" Huli na nang mapagtanto niya ang mga pinagsasasabi. Nagpatango-tango ang pulis at muling sumulat. Nakangangang nakatingin ang dalawang kaibigan sa kaniya. Nagpilit na lang siya ng ngiti.
"So may hindi pala kayo magandang pagkakaunawaan ni ms. Beal?" Nakangising tanong nito kay Gwen.
"Pwede ba? Ang girlfriend ko ang pinakamabuting taong makikilala niyo!" Singhal ni Hector.
"Huminahon ka. Wala akong iniimply na ang girlfriend mo ay suspek, ang sinasabi ko lang ay may motibo siya at masasabi kong ikaw naman ay may isyu sa pagkontrol ng iyong emosyon na maaaring magkaroon ng di magandang bunga." Dere-deretsong wika ng pulis.
"Inspektor Gwapo, masiyadong kaming inosente sa ganito!" Singit ni Arturio ngunit hindi na siya pinansin.
"Sa ngayon, yan lang ang kailangan kong malaman. Sige na, maaari na kayong makauwi ngunit nais kong ipaalala sa inyo, kung may iba pa kayong nais ipaalam ay ipaalam niyo na." Malaotoridad na turan ng pulis dahilan para sundin nila ito't lisanin ang lugar.
Sa isang hilera lamang ng mga upuan nakaupo ang magkakaibigan na sina Arturio, Regina, Hector at Gwen. Nakatanaw sila sa lola ni Maggie na nasa tabi ng kabaong at tila kinakausap ang bangkay ng apo. Nakabalot ng bendang puti ang leeg ng katawan ni Maggie upang di makita ang pagdugtong ng halos mapugot na ulo nito. Lahat ng tao ay nakapang-itim bilang simbolo ng pagluluksa. Pulang-pula na ang mga kanilang mga mata maliban kay Hector na kanina pa may malalim na paghinga.
"Hindi pa rin nahuhuli ang may sala. Walang lead, suspek o kung meron man, mukhang tayo pa. Bakit ang tagal ng pag-usad ng hustisya dito sa baryo Masiliman?" Hindi na napigilan ni Gwen ang sarili at iyon ang nasambit.
"Masyadong brutal ang pagkamatay ng kaibigan natin." Bigkas ni Regina. Bigla namang sumobra ang hagulhol ni Arturio at nabaling ang lahat ng atensyon sa kanya, nang mapansin niya iyon ay nagpeace sign na lamang siya. Si Hector ay napailing sa gawain nito. Maya-maya ay dumating ang isang lalaki, mga nasa edad kwarenta, pormal ang kasuotan at de kotse.
"Ayan na ang kapitan!"
"Si kap Eric!"
Dinig ng mga magkababata. Unang pumanhik ang lalaki sa lola ni Maggie. Kinamayan niya ito at hinimas-himas ang likod na parang pinapakalma.
"Aling Lorelina, makakaasa po kayo na gagawin ng polisya ang lahat ng makakaya nila para makamtan ng apo niyo ang hustisya na para sa kanya."
"Sa-salamat po Kapitan. Nawa'y mamayapa sa langit ang aking apo... Huhuhuhu." Napahagulhol na ang matanda.
"Sa pag-usad po ng kaso'y ipapaalam agad namin sa inyo ang mga bagong impormasyon ng pulisya." Naririnig nila Gwen ang pinag-uusapan ng tinatawag na kapitan at ang matanda dahil di ganun kalayo ang pwesto nila.
"Sinong gagawa nito kay Maggie? Bakit siya? Ano ba talagang nangyari?" Muntikan nang mapanis ang laway ni Hector kung hindi pa siya umimik.
"Baka hindi naman talaga tao ang may gawa nun." Sinubukang buksan ni Regina ang paksa na nasa isip niya.
"Wait Reg hah. Huwag mo na munang idamay ang paranormal stuff dito." Kunwari'y matapang na saad ni Arturio ngunit ayaw niya lang talagang ang pinag-uusapan ay mga nakakatakot na bagay. Tanging ang mga salita lamang ni Regina ang nanatili sa pandinig ni Gwen.
"Ano nga ulit ang pangalan ng inspektor na nakausap natin?" Agarang tanong niya sa mga kasamahan.
"Fallcuna! Si inspektor gwapo!" Kahit abala sa pagnguya si Arturio ay nakasingit pa siya sa pagsagot. Napaisip ng malalim ang dalaga, nais niya itong makausap muli.
Inangat ni Regina ang kanyang paningin patungo sa kanila, "Huwag niyong balewalain ang sinasabi ko. I told you already, tinawagan ako ni Maggie dahil nagparamdam sa kanya si Marites at nakikipaglaro ng tagu-taguan, wala naman sa hitsura niya ang gumawa ng kwentong ganun."
"Yun na nga eh. Wala sa kaniya, pero ikaw meron. Never expect me that I'm gonna believe such thing weirdo." Ubos ang pasensya na singhal ni Hector at agad tumayo upang umalis sa burol. Sinundan naman siya ng kasintahan na nagulat din sa inasal nito. Naiwan sina Regina at Arturio.
"Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin? Kung sana ay narecord ko lang talaga ang pag-uusap namin."
"Eh kasi naman Reg. Ang hirap paniwalaan, tsaka ang creepy! Baka dulot lang yan ng obsession mo sa paranormal chuchu! Isa pa, kung totoo nga ang sinasabi mo'y isa lang ang ibig sabihin niyan..." Saad ni Arturio habang minamasahe ang magkabilang sintido.
"Na bumangon ang kaluluwa ni Marites para paghigantihan si Maggie, at baka tayo rin. Dapat pala di na tayo bumalik dito sa baryo Masiliman, baka ito lang yung hinihintay ni Marites na pagkakataon para patayin tayo isa-isa." Biglang pinalo ni Arturio si Regina dahil sa kaniyang sinabi.
"Hindi ko na nga tinuloy ay tinuloy mo pa! Kaibigan natin si Marites, diba? Si M-maggie lang ang dahilan nun. Hayst! Bahala na nga."
"Kaibigan? Eh diba nga namatay siya dahil sa kagustuhan natin na makapaglaro ng tagu-taguan sa Mansyon na iyon." Hindi na kumibo si Arturio, bawat salita niya kasi'y may sagot ang kaibigan. Mamaya ay kung saan pa umabot ang usapan nila at baka marinig pa ng iba sa sobrang lakas ng kanilang mga boses. Napatitig ang kapitan sa direksyon nila, napatango naman ang magkaibigan. Sandali lang ang mga tinginang iyon at umalis na ang kapitan sa lugar.
"Babe! Please calm down. Umiinit nanaman ang ulo mo. Pinapakiusapan kitang bumalik at mag-apologize kay Regina." Paghabol ni Gwen kay Hector.
Nagpeke ito ng tawa sa narinig. "Haha! Apology? Ang kapatid ko ang pinag-uusapan, si Marites! Alam mo naman yung pag-iisip nung Regina na yun. The weirdo, the creep." Huminto sila sa lilim ng isang puno.
"Please wag mo siyang tawaging ganun. Yun na nga eh, kilalala natin siya. Naguguluhan din ako pero hindi ito yung panahon para---" Hinarap ng lalaki ng dalaga't pinatong sa magkabilang balikat nito ang mga kamay. Sumasabay sa init ng tanghali ang init ng ulo niya. Pilit niyang nilalabanan ngunit bigo siya.
"Babe siya ang kausapin mo. Dahil baka mapatulan ko siya kapag magbanggit pa siya ng mga kabaliwan niya kahit babae pa siya."
--- --- ---*****--- --- ---
Nasa libing na ang mga taong malalapit kay Maggie, umuwi rin ang kaniyang mga magulang mula pa States. Nandoon din ang mga magkababata. Lahat ay nakaitim at nagluluksa. Sumasabay sa pagluluksang iyon ang langit na tila'y umiiyak din dahil sa pag-ulan. Habang nagseseremonya ng paglilibing sa bangkay ni Maggie ay nahagip ang mga mata ni Gwen sa di kalayuan na isang pamilyar na babae at nakasilong sa puno. Iyon na naman ang babae, kasalukyang tagapangalaga ng mansyon ng Hereniere. Ilang sandali pa ay umalis din ito sa kinatatayuan. Sinundan niya lamang ito ng tingin hanggang sa tuluyan nang maglaho.
Nagproseso sa isip niya si Marites dahil sa mansyon, kalahati niya'y naniniwala sa sinasabi ni Regina dahil pati siya'y pinararamdaman. Ayaw niya namang manghusga agad. Hindi nga lang niya kayang masabi, idinidikta kasi ng isip niya'y may nais sabihin ang kababata sa kaniya at sinisigaw naman ng puso na ito'y may kinalaman sa nakaraan. Halos mapiga niya na ang utak sa kakaisip kung paano nga ba at saan banda pumapasok ang mga nangyari dati sa nangyayari ngayon.
Naging mabilis ang paglilibing at nang matapos ay paunti na nang paunti ang mga tao sa sementeryo. Kabilang sa naiwan ang mga magkakaibigan.
"Bukas ay uuwi na tayo sa Maynila." Hindi lang iyon simpleng suwestiyon ni Hector, isa itong utos. Wala namang nagprotesta, masiyado na silang napagod sa mga nangyari at kailangan nila ng pahinga, malayo sa Baryo, muli.
Nagpasya na ang mga magkakaibigan na umalis na sa sementeryo. Nasa loob na ng sasakyan ang magkasintahan, unang umalis sina Arturio't Regina. Aandar na rin sana ang kanilang sasakyan nang makiusap si Gwen. "Babe, pwede bang dumadaan muna tayo sa istasyon? Kahit ihatid mo na lang ako."
"Para saan naman?"
"Gusto ko lang sana kausapin si Inspektor Falcuna?"
"At para saan?"
"Para sa... Teka babe, may gusto lang naman akong malaman eh."
"At ano nga iyon?" Pinaandar na ni Hector ang sasakyan.
"Yun na nga eh. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang gusto kong malaman." Hindi rin siguradong tugon niya.