KABANATA 12: KAHAPON AT NGAYON

1940 Words
"Magpasalamat tayo sa Diyos at nakaligtas ang kaibigan niyo. Isang lethal pesticide ang nainom niya, buti na lang ay may nakaresponde at nalaman naming nakainom siya ng maraming tubig na nakatulong bilang first aid. Maiwan ko na kayo, kasalukuyan siyang nagpapahinga sa loob." Wika ng isang maputing babaeng may pagkataas-taas na putong ng buhok at stethoscope na nakasabit sa leeg, umalis na rin siya pagkatapos. Sina Gwen at Hector ay pilit pinapagaan ang mga hakbang habang pumapasok sa isang pribadong kwarto nang walay malay na kaibigan. Pumwesto sila sa kulay ubeng sofa malapit sa kama nito. Ang mahimbing na natutulog na si Arturio ay may patse-patseng pula pa rin sa katawan. "Ayan, sa katakawan, pati ba naman pesticide ay nilantakan." Komento ni Hector sa mukha ni Arturio kahit pa ito'y nakapikit. "Babe!" Sita ni Gwen. Umiiling na hinalukipkip naman niya sa dibdib ang mga braso. "H-hindi. Hindi 'to totoo..." Magkasabay na lumingon ang magkasintahan nang magsalita si Arturio, gumagalaw ang mga mata nitong nakapikit. "Art? Art? Anong nangyayari? Tatawag ba ko ng doctor?" Sinubukang gisingin ni Gwen ang kaibigan. Niyugyoy ng maingat nito ang magkabilang balikat ni Arturio. "Nanaginip lang 'yan. Baka nga pagkain pa ang pinananaginipan" Pagpigil naman ng kasama. Tumungo agad ang dalaga palabas ng kwarto. "Nag-aalala na ko. Tatawag na ako ng nurse o doktor." Walang lingon lingon nito. "Babe?! Tsk. Art! Gumising ka na nga diyan! Lahat na lang kasi akala pagkain eh!" Pagsinghal ni Hector at pumwesto pa sa mas malapit. Siya na ang yumugyog sa magkabilang balikat ng kaibigan na patuloy sa pagsasalita. "Hindi. Hindi 'to t-totoo. Marites." Sa nasambit na iyon ni Arturio ay napatigil si Hector. Kumunot ang kaniyang mga noo at napaawang ang mga labi. Bumukas ang pintuan, dumating na si Gwen kasama ang isang babaeng nurse. “Excuse me po." Nagsimulang mag check ang nurse sa katawan ng pasyente nang mapausog ito dahil sa biglaamg pag-upo ni Arturio mula sa pagkakahiga. "Art! Gising ka na!" Yumakap si Gwen sa kaniya. "N-nasan ako? W-wala na ba si Marites?" Unang mga salita nito. Muli siyang sinubukang lapitan ng nurse pero pumalag siya. "Wala bang lalaki? Mas komportable kasi ako kung lalaki, yung medyo gwapo sana." Kumalas ang dalaga sa kaniya at pinanlakihan ng mga mata. "Art! You were almost in the verge of death! Ano k aba?" Nawala ang hinahon nito sa pagsasalita, talagang malapit sa kaniya ang kaibigan at hindi na niya alam ang gagawin kung may masama pang mangyari rito. Umikot ang mga mata ni Arturio sa apat na sulok na kwarto, maaliwalas, katamtamang lamig, si Hector na nakakunot nanaman ang noo, si Gwen na parang maiiyak dahil sa namamasang mga mata, ang isang nurse na tila naistatwa. Nakahinga siya ng maluwag at tsaka lamang kumalma. Humingi ng paumanhin ang nurse at natatarantang lumisan. "Ano bang nangyari? Hindi pa namin nakakausap yung mga katrabaho mo, ang alam lang namin ay ito nalason ka kaya ka nandito ngayon." Saad ni Gwen. Humawak si Arturio sa ulo't sinimulang alalahanin ang mga nangyari habang nakapikit. "Tagu-taguan. N-nakikipaglaro sa'kin si Marites ng tagu-taguan. Bumibilang siya't pinagtago ako. Nandun siya sa elevator." Dumilat siya. "Papatayin niya ako! Balak niya akong isunod! S-siya ang dahilan nito!" Napalungayngay ang mga ibabang bahagi ng bibig ng dalawang kaibigan ngunit nagbawi rin si Hector upang tumugon. "Pati ba naman yung katakawan mo? Isisisi mo sa kapatid ko?" Matalim ang pinukol na tingin ni Arturio sa kaniya. Nagtatagisan sila ng mga titigan na animo'y may kuryente sa pagitan nila. "Nagpakita rin sa akin si Marites kahapon Hector hindi ba? Nagparamdam din siya sa'kin." Ang dalaga ay sumingit na dahilan upang sa kaniya naman mapunta ang tingin ng kasintahan. Tumayo ito at naghilamos ng mukha gamit ang palad. "See Hector? Totoo nga ang multo! Totoo si Marites!" "Hindi ko maintindihan. Bakit sainyo lang? Bakit sa inyong lahat? Bakit sa akin ni minsan ay hindi? Ako ang kapatid niya. Ako! Hindi ako maniniwala hangga't di ko mismo nakikita! Hangga't hindi ko nararanasan---" "Dahil ikaw lang ang ayaw humarap sa nakaraan." Pagputol ng dalaga. Bumalik na ang mahinahon nitong pagsasalita. Naghiwalay ang makakapal na kilay ni Hector, nawalan ng ekspresyon ang mga mata at nanatiling tikom ang bibig. Wala nang nagtangka pang magsambit ng kahit anong salita. Bumuga na lamang ng hangin si Hector at umalis sa lugar. Nasa ritmiko ang kaniyang paghakbang. Dumeretso siya sa paradahan, blanko ang isip, manhid ang buong katawan. Isang katamtamang pambabaeng katawan na may asul na sumbrero at nakatalukbong ng itim na hoodie sa di kalayuan ang nakapukaw ng pansin niya. "Hoy!" Pagsita niya rito nang mapagtantong may ginagawa iyon sa gulong niya. Walang anu-ano'y tumakbo ang babae at hahabulin pa niya sana ito ngunit kasingtulin ng kidlat itong nawala sa paningin. Tsinek niya ang mga gulong, maayos naman ito, marahil ay sakto ang dating niya ng mga oras na iyon. Iwinaksi niya ang nasa isip at sumakay ng sasakyan. Hindi niya iyon pinaandar, sinandal niya ang noo sa manibela. Ganito lagi ang sitwasyon niya kapag nais mag-isip. "Ikaw ang may kasalanan sa pagkamatay ni Marites!" "Kung hindi mo siya sinama doon sa lugar na iyon ay hindi siya mawawala sa amin!" "Sana'y ikaw na lang ang namatay!" "Wala kang kwenta! Lumayas ka't sumama sa tatay mo!" "Ano pang ginagawa mo rito? Ayoko na makita 'yang mukha mo!" Nagngangalit na boses ng ina ang parang sirang plakang umaalingawngaw sa ulo ni Hector. Binawi niya ang ulo sa pagkakasandal at humugot ng napakalalim na hininga. Inayos niya ang harap na salamin ng sasakyan, isang pares ng mga lumuluhang mata ang nasalubong niya mula sa likod. Pumihit siya agad para makita ang walang lamang upuan. Sa pagdako niya ng tingin muli sa harap ay namilog ang kaniyang mga mata. Tila huminto rin ang paghinga niya. "Marites." Nakaharang ang isang bulto ng batang babae sa harap ng sasakyan niya. Duguan ito, kagayang-kagaya ng hitsura nito nang mamatay sa mansyon. "Marites." Hindi tulad ni Hector ang iba na naiistatwa't naghihisterikal. Lalo na iyon ay kapatid niya, tanging kapatid na napakahabang panahon niya na hindi nakikita at malabo nang muling makita maliban sa anyong multo. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at nakalabas na ang isang paa nang maglaho ang kapatid nang parang bula. "Marites." Sa pangatlong tawag ni Hector ng pangalan ng kapatid ay nagkamalay siya. Nakita niya na lang ang sarili na nakatulog pala sa loob ng sasakyan. Sinilip niya ang oras sa suot-suot na relos. Mahigit isang oras siyang nakatulog. Kinuha niya ang phone, nagtitipa siya roon pagkatapos ay inistart niya ang sasakyan at pinaandar na ito. "Marites." Saad niya, buo na ang isip. "Kailangan kong bumalik sa Baryo Masiliman." Samantala, sa kwarto kung nasaan ang naiwang magkaibigan ay payapa ang lahat. Pareho silang tulog nang maalimpungatan si Gwen. "Hector..." Nagising si Arturio dahil hindi ganun kalalim ang kaniyang tulog. "Gwen? Anong oras na?" "5:30 pm na at hindi pa bumabalik si Hector. Ang weid nga eh. Napanaginipan kong babalik siya ng baryo." Bumangon sila nang may mga sunod-sunod na katok sa pintuan. Pinagbuksan iyon ni Gwen at tumambad ang mga pulis. "Magandang hapon po. Narito po kami para sa kaso ni Mr. Arturio Sanchez, may balita po kami." "Ah! Sige po. Pasok po kayo." "Mr. Arturio Sanchez?" Pagkumpirma ng isang matangkad na pulis. "Present!" "Mr. Sanchez, ayon sa imbestigasyon at mga testigo ay may isang di makilalang tao ang pumasok at lumabas ng opisina mo. May dala kaming footage upang ipakita ito. Hindi namin matukoy ang suspek dahil sa suot nito. Ito po..." Tumapat silang lahat sa monitor ng laptop na bitbit ng isa pang pulis. Dun ay pinapanood nila ang isang babaeng pamasid-masid at pumasok sa kwarto na opisina ni Arturio, may dala itong paperbag at ilang minuto ang lumipas ay lumabas din ito at wala na ang dala-dala. Ipinause ng pulis ang video sa kung saan ay mas malapit ang anggulo paharap ng suspek sa cctv. Nag-obserba silang maigi. Nahaharangan ang mukha nito ng asul na sumbrero, nakakubli ang katawan sa itim na hoodie at may katamtamang taas at laki ng pangangatawan. "May hinala po ba kayo sa kung sino iyan?" Ang magkaibigan ay itinuon pa ang paningin dun nang maigi ngunit dahil sa sumbrero'y wala silang mahinuha. Umiling sila hanggang sa mapatungo. "Narekober po namin ang paperbag at ang laman nito ay bote ng pesticide. Isa itong kaso ng murder kung nagkataon, malinis ang gumawa't sanay sa ganito. Pero makakaasa kayong gagawin po namin ang lahat ng aming nakakaya para mahuli ito." "Salamat po." Nagkamayan sila at kaunting alalahanan. Muli na silang naiwang dalawa. "Malinaw na hindi multo ang nagbalak pumatay sa'yo. Malinaw na hindi si Marites ang salarin Art. Wala siyang balak saktan ka. Hindi ku alam kung matutuwa ako para run o matatakot lalo na’t may isang tao na hindi natin matukoy ang gumagawa nito." "Pwes hindi malinaw sa akin kung bakit kailangan niyang manakot! Eh paano yung kina Maggie at Regina? That was insane! At tsaka paano yung sa'yo hah? Tsaka-tsaka para saan yung pinagtatago niya ko?!" Bumalot ang malamig na hangin. Nagkatinginan sila nang nakabuka ang mga bibig. Walang bumitaw ng kahit anong salita. Nagkukumahog na kinuha ng dalaga ang isang litrato. Litrato nilang magkakaibigan. "Nakikipaglaro si Marites ng tagu-taguan hindi para takutin at gawan kayo o tayo ng masama. Ito ang paraan niya para magbigay ng babala na may nagtatangka sa buhay natin." Inabot ni Gwen ang hawak-hawak sa kausap at nanlalambot naman itong kinuha iyon. "Tama si Hector, yung karit, yung gasolina, 'iyang pesticide. Hindi yan magagawa ni Marites o ng kahit sinong multo. We've been blinded by our fears." "Huhuhuhu! Marites! We are sorry! Marites patawarin mo kami. Hindi naming alam na pinoprotektahan mo pala kami. Tapos huhuhu. Tapos pinagbibintangan ka pa naming murdered! Sorry." Humagulhol si Arturio. Nakonsensya siya sa pinagsasasabi't pinag-iisip sa yumaong kaibigan. "Art. Aaminin ko mas natatakot ako ngayon, una si Maggie, ikalawa si Regina at muntikan nang ikaw ang pangatlo. Coincidence? I think not. At iisa ang sinasabi ng mga pulis, malinis magtrabaho. Pakiramdam ko iisa lang ang gumagawa nito, at kung sino man yun ay gusto tayong ubusing magkababata at hindi ko hahayaang mangyari yun." "Go Gwen! I go for Gwen!" Tinaas pa ni Arturio ang nakakuyom na kamay bilang pagsuporta. "We solved a mystery just to be messed up with another mystery." "And! And! And! It all started when we went back to Masiliman!" "No. It started 15 years ago." "Why does horror always takes with the genre of mystery and thriller?! And why the hell are we speaking english! Hayst! Naku! Tama na 'to! Makakarma rin ang kung sino man ang gumagawa nito!" Nagpaypay ng magkabilang kamay si Arturio. "Hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Hector dito pag nalaman niya. Sandali tatawagan ko." Dinukot ni Gwen ang phone sa bulsa at napatakip ng bibig nang mabasa ang isang text mula kay Hector. "K-kanina pa pala siya nagtext s-sakin. Papunta siya ng baryo." "What? Agad-agad? Eh magdidilim na hah? Naku siguradong halos hatinggabi na yun makakarating! Tsaka bakit? May pagdadrama?!" Hindi muna pinansin ng dalaga ang mga pinagsasasabi nito at ipinokus na lamang ang atensyon sa pagtawag sa nobyo. Nakatatlong subok na siya ngunit iisa ang sinasagot nito, 'out of coverage area' "May masama akong kutob dito. Kailangan ko siyang sundan." Ani ni Gwen. "Uy! Sama ako! Ayokong maiwan dito noh!" Sinubukang tumayo ni Art pero tumigil din siya dahil sa mga nakakabit sa kaniyang mga aparato. Baka mahila pa niya. "Art. Dito ka na lang---" "Hindi! Ayoko tsaka! Maggagabi na! Hindi kita papayagan! Baka kung mapaano ka pa! Ako pa ang malalagot kay Hector! Bukas, bukas tayo pupunta ng baryo. Siguradong discharge na ko nun! Tingnan mo naman ni kalahating kilo yata ay walang nabawas sa akin! Strong yata 'to!" Umiiling na sumalampak sa pagkakaupo ang dalaga sa tinuran ng kaibigan. Wala na siyang magagawa sa mga oras na 'to kundi ang mag-alala sa mga desisyong gagawin ni Hector. Nagpang-abot na ang dilim sa baryo Masiliman. Tanging si Hector na nasa loob ng kaniyang sasakyan na lamang ang nasa malawak na daan papasok sa baryo. Pasilip-silip ang binata sa harap ng salamin. Kanina niya pa inoobserbahan ang isang magarang pilak na sasakyan na parang sinusundan siya ngunit maaari rin namang hindi lang siya ang dadayo sa baryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD