"Mom?"
"Paano mo nakumbinsi si Coloner?!"-diin na tanong ni Mommy.
Naoperahan na si Daddy at bayad na lahat ang bills sa hospital.
"Huwag na po natin pag-usapan iyan, ang mahalaga okay na si Daddy," pag-iiwas ko sa tanong ni Mommy.
"Umamin ka sa akin , Mary!"-
Tumingin ako kay Mommy.
"Mom,magpapakasal ako sa kanya,ibabalik niya ang isang Kompanya ni Daddy"-
"Bakit mo iyon ginawa ?!"-
"Mommy naman,kung hindi ko iyon ginawa,hindi maooperahan si Daddy!"-
Sad to say, pera na ang gumagalaw kapag gusto mo pang mabuhay.Pero ngayon walang wala na kami.Pati mga mayamang kaibigan ni Mommy tinalikuran na siya dahil isa na kaming mahirap.
Napapikit ako , susunduin na ako ni Damon.
"Mom?"-
"Bakit?"-
"Sa kanya na ako titira, susunduin na niya ako,huwag ho kayo mag alala lagi ko kayo bibisitahin"-
"Anak,!"-umiiyak na naman si Mommy.
"Don't worry mommy,lagi ako pupunta sa bahay,uuwi po muna ako,ayusin ko lang ang mga gamit ko"-
Hinatid ako ni Manong Jose sa bahay.Pagdating sa bahay naligo muna ako at nag impake ng mga damit ko.
Tamang tama tapos na ako sa pag iimpake nang narinig ko na may nag doorbell.Agad naman ako pumunta sa pinto at binuksan ito.
"Sino po kayo"-tanong ko sa dalawang lalaki.
"Pinapasundo kana ni Boss Damon, Ma'am "-
Napalunok ako.
"Ahm.. puwedi po ba dumaan muna ako sa hospital,magpapaalam lang ako kay Mommy"-
"Sure, Ma'am Mary"-
Nanghihinang bumalik ako sa silid ko at kinuha ang aking dalawang maleta.
Sinalubong rin ako ng dalawang lalaki at kinuha ang aking maleta.Sumakay na rin ako sa likuran.
Parang natulala ako.Ni hindi ko namalayan na nakarating na kami sa hospital.
"Pahintay na lang po ako,babalik agad ako"-saad ko sa dalawa.
Agad na akong bumaba at pumasok sa loob.
Pagdating sa kuwarto kung saan nakalipat na si Daddy,nadatnan ko si Mommy na busy ito sa kanyang laptop.
"Mary,anak"-
"M-Mom,aalis na po ako,pinasundo na ako ni Damon"-
"W-what!Mary?"-
"Mom,bibisitahin ko naman kayo"-pinilit ko na bigyan ng saya ang boses ko.
Niyakap ako ni Mommy.
"Pag sinaktan ka niya,Umuwi ka sa bahay anak"-
"Opo,sige na po hinihintay na ako sa labas"-
Lumapit muna ako kay Daddy at hinalikan ito sa noo.
Lumuluha si Mommy na nakatingin sa akin.
Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Mommy.
Pagkalabas ko ng silid,doon nag si unahan bumagsak ang mga luha ko.
Natatakot ako kay Damon,baka nga saktan niya ako.
Pagdating ko sa kotse sumakay na agad ako.
"Maam dadalhin na daw namin kayo sa office ni Judge nandoon na si Boss Damon"-
Nagtataka akong tumingin dito.
"Ikakasal kayo ngayon Ma'am Mary"-
Hindi na ako nagulat.Ito naman ang gusto ni Damon,ang maging asawa at alipin niya ako.
Panay ang buntonghininga ko.
"Ma'am Mary nandito na tayo"-
Inalalayan ako ng isang lalaki na bumaba ng sasakyan.Pumasok na kami sa loob ng building kung saan nandoon ang office ni Judge.
Pagdating namin sa loob nakita ko si Damon, nakatingin rin ito sa akin.
"Give her the paper "-
May inabot sa akin ang judge .
" Sign it"-utos sa akin ni Damon.
Its a Marriage contract.
Pinirmahan ko na ang bawat page.
After ko pirmahan, nagpirma rin si Damon.
"Okay,kasal na kayong dalawa"-saad ng judge.
Nagulat ako ng hinawakan ni Damon ang kamay ko.
"Thank you Judge,uuwi na kami"-
Tumango lang sa amin ang judge.Hila hila naman ako ni Damon palabas ng building.
"Uuwi na tayo sa Mansion"-
Hindi na lang ako umimik.
Habang nagmamaneho ito, nakatitig ako sa kanya.
Bakit sobra sobra ang paniningil mo?Walang kaming utang sa iyo?Ikaw mismo gumigipit sa amin!
Umiwas ako ng tingin ng lumingon ito sa akin
Tumigil ang kanyang sasakyan sa isang napakalaking Mansion.Nakakamangha ang laki.
May Mansion din kami pero hindi ganito kalaki.Iyon nga lang kinuha din ni Damon.
"Bumaba kana"-utos niya sa akin.
Bumaba na ako,nauna na pala dumating ang dalawa lalaki na sumundo sa akin kanina.Sila rin nag buhat ng mga maleta ko.
"Sa Maid Quarters niyo dadalhin ang mga gamit niya!"-
Napatingin ako kay Damon.
"Yes, katulong ka rin sa Mansion, don't act like a Queen here!"-
Nanlulumo akong napayuko.
"Manang Sol?"-
Nakita ko ang babae nasa late Fifty's ang edad.
"Sir Damon?"-
"Ito ang bagong kasama niyo na katulong sa bahay,lahat na trabaho dito sa Mansion dapat gagawin niya rin!"-
"Y-yes Sir"-sagot ni Manang Sol.
Lumapit sa akin si Damon.
"Bukod sa trabaho sa loob ng Mansion,dapat mo rin gampanan ang pangangailangan ko"-mahinang sabi niya.
Napakuyom ako ng aking kamay.Hindi ko namalayan tumulo na ang luha ko.
"Halika na Hija"-yaya sa akin Manang Sol.
Nakayuko na sumunod ako dito.alas tres pa lang ng hapon at noodles lang kanina ang kinain kong tanghalian.
"Anong pangalan mo Hija?"-tanong ni Manang Sol.
"Mary Flor po."
"Mas bagay sa iyo tawagin na Mary,napaka ganda mo," nakangiti na saad ni Manang Sol.
"Hello ako pala si Mia at ito naman si Andy."
Nakangiti ako nakipag kamay sa dalawang dalaga na siguro magka edad lang kami.
"Maglinis na kayo Andy at Mia,kami naman ni Mary magluluto may bisita si Sir Damon dadating."
"Opo Manang Sol."
"Halika na Mary, pupunta na tayo sa kusina."
"Sige po."
Malaki naman ang Maid Quarters,may apat na kama at dalawang malalaking kabinet.May sariling banyo at di Aircon din sa loob ng kuwarto namin.
Pinasuot sa akin ni Manang ang uniform ng pang katulong.Mapait akong ngumiti.
Pagnaka pasa na ako sa pagiging Doctor,makiusap ako kay Damon na magtatrabho ako at pa unti unti ko siyang bayaran.
Agad na kami pumunta ni Manang Sol sa kusina. May inilabas itong mga gulay at karne.
"Pakibalat ng lang ng sayote Hija"-
"Sige po."
Napakagat ako ng aking labi.Hindi kasi ako marunong magbalat.
"Ako na ang gagawa niyan,magbalat ka na lang ng sibuyas at bawang," nakangiti na saad ni Manang.
Napabuntonghininga ako.
Kinuha ko ang maliit na kutsilyo at nag umpisa na magbalat ng sibuyas.
Narinig namin parang maingay sa Sala.
"Nandito na yata ang mga bisita ni Sir Damon."
Habang nagbabalat ako ng sibuyas may pumasok na isang magandang babae.
"Hi, puwedi magpahatid ng Orange juice?"
"Ah sige po Ma'am," aniya naman ni Manang.
"Thanks," agad naman umalis ang babae.
Nagtimpla si Manang ng orang juice, at nilagay ito sa isang babasaging pitsel.
"Mary, ikaw na lang maghatid, pasmado ang kamay ko baka madulas at mabasag pa."
"Opo."
Kinuha ko ang Pitsel at mga baso.
Nasa anim pito ang bisita ni Damon, tatlong babae at apat na lalaki.
Dahan- dahan kong binaba ang pitsel at baso sa maliit na lamesa.
"Whoaahhh bro,ang ganda ng maid mo," narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Hey, pakilagyan mo ang baso ko ng Juice."
Binuhat ko ang pitsel at nilagyan ng Juice na hawak hawak naman ng babae ang baso.
Nanginginig ang kamay ko kaya hindi sinasadya na nabuhusan ng konti ang damit niya.
"What the hell!"
"Sorry, hindi ko po sinasadya."
"Damon, babe? Look what she did!"
Napatingin ako kay Damon.
Nagulat ako ng bigla niya akong sinampal ng pagkalakas.
Sa sobrang gulat ko nabitawan ko ang pitsel at buti na lang hindi ito nabasag .
"Hey, bro, stop it!" saad ng isang lalaki ba pumigil kay Damon.
Ramdam ko ang manhid ng aking mukha.
Lumapit si Damon sa akin at hinila ako papunta sa kabilang kuwarto.
"D-Damon?!"
"Unang araw mo pa lang may kapalpakan kana agad ginawa!"
"Sorry, kasi nanginginig ang kamay ko," umiiyak na sabi ko.
Agad niya hinawakan ng mahigpit ang aking mukha.
"Dito ka sa loob ng kuwarto! Hindi ka makakalabas hangga't walang permission sa akin!"
"Damon, huwag mo akong ikulong dito, h-hindi na mauulit iyon," nagmamakaawang sabi ko.
"Kapag nakikita kita lalo ko lang nakikita ang babaeng mahal ko na nawala sa akin dahil sa iyo at sa iyong ama! I really hate you!"
"Damon, please!" agad na itong lumabas at nilagyan ng lock sa labas ng pinto.
Napahagulhol ako.
Bakit ako magdudusa sa pagkamatay ng ate ko? Bakit?!
Nagpaimbestiga ako noong nakaraang araw, siya pala ang dating kasintahan ni ate.
Iyak ako ng iyak habang nakaluhod sa harap ng pinto.
Dito na ba mag uumpisa ang impyernong buhay ko?God! Sana ako na lang namatay! Sana ako na lang!