bc

9) She's With LUCIFER ( Completed)

book_age18+
39.6K
FOLLOW
176.8K
READ
billionaire
possessive
second chance
arrogant
mafia
beast
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

(BLACK MAFIA SERIES)

He already paid me.

Kinuha niya lahat ang kayamanan ng pamilya ko.

Masaya siya kapag nakikita niya na lugmok sa kahirapan si Daddy.

Damon Coloner, the Multi-Billionaire Business man.

He is a Beast.

Kinuha niya ako kapalit sa mga utang ng Daddy ko .Naging alila sa loob ng mansion niya.Sinasaktan kapag hindi ko maibigay ang gusto niya.

I'm Mary Flor Fernando, the wife of Damon Coloner.

"Give me a child, you will be free."

Napayuko ako, maya-maya lang umangat ang ulo ko at tumingin ng diretso sa kan'ya.

"I will, ibibigay ko ang gusto mo, basta pakawalan mo ako kapag naibigay ko na sa iyo ang anak mo."

Gusto ko na umalis sa impyernong buhay na kinasasadlakan ko.

But How?

The Mafia owned me.

The Lucifer owned me!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Pagkagising ko bungad kaagad ang pag-aaway nila Mommy at Daddy.Noong nakaraan buwan lagi na sila nagtatalo. Napabuntonghininga na lang ako. Bumangon na ako at ginawa ang aking morning routine. Graduate na ako ng Medisina at kasalukuyang hinihintay ko lang ang result ng PLE(Physician Licensure Examination) ko. Sa edad na bente siyete wala pa akong kasintahan, simula nang kumuha ako ng kursong pagdodoctor, nagfucos na lang ako sa aking pag aaral. After ko gawin ang aking morning routine, bumaba na ako. Napatingin ako sa silid nila Mommy at Daddy na nagtatalo pa rin. Actually lumipat na kami ng bahay, umalis na kami sa aming mansion. Basta ang alam ko kinuha ang mansion namin dahil sa pinagkautangan ni Daddy. Dumaan muna ako sa silid ng mga magulang ko. "Wala na tayong pera Mariella, pati itong tinitirhan natin, kukunin ni Damon!" "Umuwi na lang tayo sa probinsya, Felip," "What! No! Babawiin ko ang mga kumpanya ko kay Damon!" "Babawiin mo? Kapalit ang anak natin? Di bali na maghihirap tayo kung ang anak ko ang pahihirapan ng lalaking iyon!" "Hindi ko sinabi na ibibigay ko si Mary sa kan'ya!" Napapikit na lang ako.Sino si Damon na tinutukoy ni Daddy? Bakit halos ng ari-arian namin kinuha na niya? "Felip? Felip!" Narinig ko si Mommy na nagsisigaw. Dahil sa labas lang ako ng silid nila agad ko ito binuksan. Nakita ko si Daddy na nakalugmok sa sahig. "Daddy!" Agad ko itong pinulsohan. "Mom, dalhin natin si Daddy sa hospital!" Dali-dali ko tinawag ang matapat na driver ni Daddy. "Manong, pakibuhat si Daddy dadalhin natin siya sa hospital!" "Ah, sige po Ma'am Mary!" Kinuha ko muna ang kotse sa garahe, maya-maya lang nakita ko na buhat buhat na ni manong si Daddy. "Dito po niyo ilagay," Nang mailagay na si Daddy sa loob ng sasakyan, sumakay na rin si Mommy.Si manong na ang nagdrive ng koste. "Felip!"umiiyak na tawag ni Mommy. Hindi ko rin mapigilang lumuha.Bakit ganito ang nangyayari sa buhay namin?Nawalan na kami ng mahal sa buhay 3 years ago. Pagdating sa hospital agad na diniretso si Daddy sa emergency room. "Mom?" "Hindi ko alam kung saan tayo kukuha ng panggastos,"umiiyak na sabi ni Mommy. "Wala na po tayo savings?" "W-wala na, lahat wala na.Ang sasakyan na lang, iyon na lang ang natitira sa atin, ang bahay na tinitirhan natin, kukunin na rin ni Mr.Coloner,"humahagulhol si Mommy. Napapikit ako. Humarap ako kay Mommy. "Mommy, sino si Damon Coloner?" "I-isa siyang negosyante,"umiwas ng tingin si Mommy . "Mom, magtatrabho ako, malapit na rin lalabas ang result ng Licensure Examination ko, makakaraos din tayo," Nakita namin ni Mommy lumabas ang Doctor,vagad namin nilapitan ito. "Felip Fernando, Family?"tanong ng Doctor. "Yes Doc,"sagot ko. "He need an operation, kailangan ma operahan siya agad sa puso," Nanlulumo kami ni Mommy. "M-Magkano Doc ang magagastos?"tanong ni Mommy. "Mrs. kailangan niyo mag prepare ng malaking halaga, 3 million or more than that," Napahagulhol na naman si Mommy. "Ooperahan na po namin si Mr.Fernando, so paki prepare na po ng pera,"ngumiti ang doctor sa amin bago ito umalis. "Mom, makiusap tayo kay Mr.Coloner, baka naman maibalik niya ang Company ni Daddy," Ang alam ko walang utang si Daddy.Hindi rin ito nagsusugal.Bakit niya ginigipit kami? Ano ang dahilan? "B-baka hindi siya papayag, ibinta na lang natin ang kotse at mga gamit natin," "Mommy naman, halos lahat naibinta na natin! Pupuntahan ko siya ngayon, bakit ginaganito niya tayo!" "Mary, huwag ka pumunta sa kanya!Ibinta na lang natin ang kotse at may alahas pa naman ako!" "Kasya ho iyon na halos mahigit sa tatlong Milyon ang kailangan natin?"naluluhang tanong ko kay Mommy. "Magagalit ang Daddy mo kapag malaman niya na pupunta ka sa walang pusong Coloner na iyon!" "Ano ho ba ang pipiliin ninyo? Ang mamamatay si Daddy? O mabuhay? Hindi naman ho siguro masama na magpakumbaba or makiusap sa isang tao kung kinakailangan, para kay Daddy gagawin ko, Mommy," Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit. "Napakabait mo anak, bakit kailangan maranasan mo rin ito?"umiiyak na sabi niya. "Mommy lahat tayo may pagsubok sa buhay, kakayanin natin ito, alang-alang kay Daddy," Hinalikan ko muna si Mommy sa pisngi. "Pupuntahan ko po siya, babalik ho agad ako," "Mag-ingat ka anak, kung ayaw niya, huwag mo nang pilitin," Tumango na lang ako. Paglabas ko ng hospital sinabihan ko si manong na ako na magdadala ng kotse at pinaiwan ko na siya para samahan si Mommy.Matandang binata kasi si manong Jose, sa amin na talaga siya nakatira at pamilya na ang turing namin sa kaniya. Sa Company mismo ni Mr.Coloner ako pumunta.Tamang-tama na lunch break, nakisabay ako sa Elevator sa mga empleyado. "Miss, saan ang office ni Mr.Coloner?"tanong ko sa babae. "Ah doon din ang punta namin, sumabay ka na lang,"nakangiting saad niya. Ngumiti na lang ako sa kanya.Nasa 8th floor kami tumigil. "Miss, ayan ang secretary ni sir Damon, magtanong ka na lang,"saad niya sa akin. Lumapit ako sa secretary. "Miss, nandiyan ba si Mr.Damon Coloner?" "Yes po Ma'am,ano po ang pangalan niyo?" "Ahm.. Mary Flor Fernando, anak ni Felip Fernando," "Sige po Ma'am, call ko muna si Sir," Kinakabahan ako. Hindi ko alam parang nanlalamig ako. "Ma'am Mary, pasok na daw po kayo," "Salamat, Miss," Kumatok muna ako ng tatlong beses at binuksan ito. May nakatalikod na matangkad na lalaki.Kahit nakatalikod ito, malalaman mo talaga sobrang ganda ng katawan niya. "What do you need, Miss Fernando?" Nang marinig ko ang boses niya pakiramdam ko, nauubusan na ako ng hangin sa katawan. Humarap ito sa akin. Nakatulala akong tumingin sa kaniya. Ang guwapo! Hindi ko madiscribe, sobrang guwapo niya. Lumapit ito sa akin, at napansin ko ang kulay asul niyang mga mata. "P-Puwedi bang ibalik mo ang ari-arian namin?" Nakangisi itong nakatitig sa akin. "Who are you to tell me that!" "Please, kailangan namin ng pera sa operasyon ni Daddy, bakit mo kami ginigipit? Ano ba ang kasalanan ni Daddy?" "Malaki ang utang ng Daddy mo sa akin, lahat ng kayamanan ninyo kulang pa sa pambayad!" Tumingin ako at napaluhod ako sa kan'yang harapan. "Mr.Coloner, nagmamakaawa ako, kahit isang kumpanya lang ni Daddy ibalik mo sa amin, kung ano man ang inutang ni Daddy ako mismo magbabayad,"lumuluhang sabi ko sa Kan'ya. "Really, ikaw magbabayad? Okay ganito na lang, ibabalik ko ang isang kumpanya ninyo, then kukunin kita para pambayad utang sa Daddy mo," Tumingala ako dito.Naalala ko ang sinabi ni Mommy. "A-Anong ibig mong sabihin?" "Be my wife, sa bahay ka titira at pagsisilbihan mo ako!"diin na sabi niya. Tumayo ako. "No!" "You can leave, now!" Itinuro niya ang pinto. "Please, pa unti-unti bayaran kita, kailangan ni Daddy maoperahan ngayon!" mangiyak-ngiyak na saad ko rito. Ngumisi ito sa akin. "Then, accept my offer." Yumuko ako. Kinuyom ko ang aking kamay. He's a heartless. Tumingin ulit ako sa kan'ya. Halos hindi ako kumukurap. "After ng operation ni Daddy, sasama na ako sa iyo," diin na saad ko rito. Ngumisi ito sa akin. "Then, welcome to the Hell!" Lumapit ito sa akin. Hinawakan niya ang aking mukha. "Kamukhang-kamukha mo siya, pero hindi ka maging siya, kapag nasa akin kana, wala na dapat na lalaking lalapit sa iyo, ibigay mo ang pangangailangan ko lalo na sa kama." Nanlalaki ang aking mga mata nang hinalikan niya ang aking leeg at sinipsip ito. "I marked you now, Miss Fernando!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook