DOS "AH, S-SAAN KO PO ILALAGAY ANG MGA ITO, SIR?" Sa abot ng makakaya ko ay pinilit ko na papanatilihing blangko ang eskpresyon ng mukha ko, kahit pa nga ba ang totoo ay gustong-gusto ko nang matawa sa naging inisyal na reaksyon ng staff ng resort, nang sa wakas ay papasukin ko na ito dala ang mga in-order ko na pagkain. Hindi ko alam kung gaano ito katagal na kumakatok, at nagdo-doorbell sa labas kanina, bago ito magpasyang tumigil at tuluyang nawala ang pag-iingay sa labas ng pintuan. Akala ko nga ay umalis na ito. Kaya't sa halip na pagbigyan lamang na makaraos ang asawa ko, hindi ko na rin pinigilan ang sarili ko. Para kasing ano mang oras ay sasabog na ang puson ko sa sakit. Nakaalis naman na ang istorbo. Bibilisan ko na lang. Wika ko pa sa aking sarili, habang lihim na napapang

