DOS NANLAKI ang mga mata ng staff ng resort nang makita ang hawak kong pera, at iniaabot sa kanya. Bakas na bakas ang pagkagulat sa anyo nito. Halatang hindi inaasahan ang pagbibigay ko sa kanya ng ganoong kalaking halaga. "Naku, Sir, masyado po yatang malaki iyan." Saad pa nito. Ngingiti-ngiting, iiling-iiling. Hindi na makatingin sa akin ng deretso. "Nakakahiya po." Umiiling din na nginitian ko ito. "No. Sakto lang ito para sa kasipagan mo." Ani ko pa na hindi pa rin ibinababa ang kamay kong may hawak na pera, na naka-umang sa harapan nito. "Saka hindi ito para sa iyo. Para ito sa misis mo. Sabi mo nga ay buntis din siya. Bilihin mo ang kung ano ang gusto niyang kainin ngayong gabi." Sukat sa sinabi ko ay namilog ang mga mata nito. Maya-maya ay kinabakasan ng pangingislap. Bago ilang

