TALIWAS SA INAASAHAN, ay halos papagabi na nang makarating kami sa Batangas, kung saan naroon ang resort na pag-aari nina Casper, at siya ngang paggaganapan ng beach party ni Coleen. Ang sinabi ni Dos kanina na tatlo, hanggang apat na oras ay hindi nangyari. Sa halip, ay inabot kami ng kulang anim na oras dahil sa dami ng mga stop over. Isang para kumain ng lunch, hindi pa man kami nakakalayo sa Maynila. Tatlo, o apat na hinto yata, sa ilang mga gasolinahan, para mag-CR. At iyong isa ay sa isang lomihan, bandang Batangas na rin, para daw mag-meryenda. Ayon kay Dos, ay talaga raw nakagawian na nilang dumaan sa lomihan na iyon sa tuwing lumuluwas sila, pa-Batangas, dahil masarap daw talaga ang lomi roon. Panay pa nga ang biro sa akin na baka raw makalimutan ko siya kapag natikman ko ang

