Chapter 45

1314 Words

"ISLA! ANO NA ANG NANGYARI SA 'YO?! Matagal ka pa ba?" Kagat ang pang-ibabang labi na napalingon ako sa direksyon ng pintuan nang marinig ko ang malakas na tinig ni Coleen mula sa labas, kasabay ng sunud-sunod, at malalakas ding mga pagkatok. Alanganing ibinalik ko ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin, bago bumaba rin naman ang mga mata ko sa katawan kong halos wala nang itinago sa kakapirasong damit pampaligo na suot ko. Paano naman kasi ako lalabas nang ganito? Tiyak na marami nang tao sa labas, at mas darami pa ang mga iyon habang lumilipas ang mga oras. Kaya ko bang lumabas doon at makihalubilo sa mga bisita na parang naka-panty at bra lang? Alam ko naman na swimwear at hindi underwear ang tawag sa mga ito, pero kasi... ganoon din naman ang tema. Hindi hamak na mas malapad pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD