Chapter 163

1616 Words

SA DAMI NG MGA BAGAY na nagsasalimbayan sa isip ko simula pa kanina na makita ko si Dos sa labas ng apartment ni Arsi na naghihintay sa akin, imbes na si Mang Delfin, ay malayo-layo na ang itinatakbo namin bago ko pa mapansin na hindi ang daan pauwi sa mansyon ng mga Montesilva ang tinatahak namin. Actually, napansin ko na kanina iyon. Imbes na dumeretso ay kumanan si Dos. Hindi ko na lamang naisatinig dahil natabunan ng pag-uusap namin. Hanggang sa nawala na sa isip ko. Ngayon ko lang ulit naalala nang makita ngang malayo na kami sa daan pauwi. Kunot ang noo na nilingon ko ang katabi ko. "Hindi ito ang daan pauwi. Saan tayo pupunta?" Kahit na papaano ay may ideya na ako dahil sa pamilyar na daan, ngunit gusto ko pa ring makasigurado. Hindi naman siguro ito ganoon kabilis na kumilos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD