WALA KAMING IMIKAN NI DOS HABANG BIYAHE. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng lalaki, pero ako ay hindi pa rin maka-recover sa nangyari kanina. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labis na pagkapahiya dahil sa katatapos lamang na mga pangyayari. Ang lakas ng loob ko na maghamon dito ng hiwalayan, pero isang kalabit lang pala ay bumagsak na kaagad ang lahat ng depensa na mayroon ako. Ni hindi ko nga naisip kung nasaan kaming lugar. Imagine? Nasa gilid lang kami ng kalsada! Kahit pa nga ba sabihin na nasa loob naman kami ng sasakyan, still, nasa kalye pa rin. Anytime ay maaaring may makahuli sa amin at maglagay sa amin sa labis na kahihiyan. Lalong-lalo na sa akin na isang guro pang naturingan. Well, technically, hindi ako nagtuturo ngayon. But nevertheless, guro pa rin. And I sho

