"NAKU! EH, PAGKA-GWAPO naman pala talaga ng apo mo, Mareng Jinky!" "Sinabi mo! Manang-mana sa pinagmanahan." Hindi matapos-tapos ang pagpuri nina Aling Tale at Aling Marsha sa anak ko, mula pa kanina na makita nila ito. "Aba, ay alangan! Saan pa ba naman iyan magmamana? Magandang lalaki ang ama, maganda rin ang ina, natural na gwapo ang kalalabasan." Proud na proud naman na sagot ng nanay ko. Bakas na bakas ang pagmamalaki sa tinig at mga mata. "Kung sa bagay nga. Naku! Natitiyak ko na maganda rin ang isa pa nilang anak na lalabas." Sabi pa ni Aling Tale, na tumingin pa sa akin at sa ipinagbubuntis ko. "Mana rin sa kanila." "Sigurado iyan." Sang-ayon naman ni Aling Marsha. "Sana ay babae. Tiyak na kagandang bata." Nang magkatinginan kami ni Arsi ay napapailing na pasimpleng ipinaiko

