"ANG TAGAL MO NAMAN, kanina pa kita hinihintay!" Salubong ko kaagad kay Arsi pagdating pa lamang nito. "Ay, wow! Sorry naman po, Mahal na Reyna! Hinintay ko pa po kasi iyong kapitbahay namin na may-ari nitong nahiram kong tricycle!" May kasama pang pag-irap, na sarkastikong sagot naman nito. "Iyong motor sana ng tatay ko ang dadalhin ko, kaso hindi ka naman pwedeng sumakay sa motor, at jontis ka nga. Baka mamaya madisgrasya pa iyang dinadala mo, ipalo pa sa akin ng asawa mo 'yon." Hindi ko na pinansin ang huli nitong sinabi. "Sinong kapitbahay? Buti pinahiram ka?" Tanong ko na lang, sa halip. "Ano ka?" Ismid naman nito sa akin. "Babayaran mo ang tarya nito ngayong umaga, noh!" "May bayad talaga? Parang others!" "Ano ang akala mo? Wala nang libre ngayon, noh! Nananahimik kasi na nagha

