"BAKLA KA! Maghunos dili ka nga! Hindi mo pa nga alam kung ano ang totoo." Saway sa akin ni Arsi habang inaalalayan ako na bumaba sa tricycle. "Kumalma ka muna, pwede?" Hinubad na nito ang suot nitong face mask, at isinusok sa bulsa. Ang cap naman ay basta na lamang inihagis sa loob ng tricycle. "Bakit? Ano ba ang ginagawa ko? Kalmado ako, Baks. Kaya nga tayo papasok kasi gusto kong alamin kung ano ang totoo." Pangangatwiran ko naman. Napailing na lamang si Arsi na halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Bakit kasi hindi na lang muna tayo umuwi sa bahay n'yo? Hintayin mo roon ang asawa mo, at saka doon kayo mag-usap? Mamaya niyan kung ano pa ang mangyari sa dinadala mo. Ang aga-aga, stress na naman ang pinapa-almusal mo sa anak mo." Tila kunsumido na nitong sermon sa akin. "Para ano?

