Chapter 207

3104 Words

"ANGEL. . . !" "Oh, bakit kayo tumigil? Sige lang. Tuloy n'yo lang 'yong pinag-uusapan n'yo." Sarkastikong turan ko habang pinagpalalipat-lipat ang tingin ko kay Dos at sa babaeng kasama nito. "A-anong-- anong ginagawa mo rito?" Tumingin pa si Dos sa babae. Saka pabuntong-hininga na ibinalik sa akin ang tingin. "Anong ginagawa ko rito?" Nag-aangatan ang kilay na turo ko sa sarili ko. "Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito? Kayo?" Sinulyapan ko ang babae, pati na rin si Biboy, na tila naumid ang dila sa tabi ko. Nakatingin lang ito na tila ba nahihiya kay Dos. Sumulyap pa ang kapatid ko sa babae. At ganoon din ang ekspresyon na nakita ko sa mga mata nito. Para bang hiyang-hiya ito sa kasama nilang babae dahil sa biglaan ko na lamang pagsulpot sa kanilang harapan. Lalo lang niyong ginatungan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD