Chapter 120

5000 Words

PAGMULAT NG MGA mata ko ay hindi ko maiwasan ang pangungunot ng noo nang hindi pamilyar na paligid ang masilayan ko. "Anak..." Kahit bahagya pang nanghihina ay pinilit kong ibaling ang aking tingin sa nanay ko na siyang nagsalita sa tabi ko. Nakangiti ang mga labi nito, ngunit makikita naman ang labis na pag-aalala sa kislap ng kanyang mga mata. Inabot nito ang buton sa may bandang ulunan ko, at saka ilang ulit na pinindot. "Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?" Tanong kaagad nito sa akin. "May masakit ba sa iyo?" Nakatingin lang ito sa akin, habang naka-angat ang isang kamay, na para bang hindi alam kung papaano ako hahawakan. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Maliban sa bahagyang panghihina ay wala naman na akong iba pang nararamdaman sa katawan ko. Kaya't maliit akong ngumiti rito,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD