Chapter 154

5000 Words

"HEY, ANGEL! How was your day?" Huminga ako ng malalim, at pahinamad na nagkibit ng mga balikat. "Hmmm. . . heto, same, same. Wala ka pa rin dito." Inabot ko ang isang unan sa tabi ko, at saka doon isinandal ang cellphone na gamit ko, sa pakikipag-video call dito. Mahinang natawa si Dos sa sinabi ko. "Angel, wala pa akong isang linggo na nawawala." Ang lalaki naman ay hinubad ang suot nito na coat at isinabit sa likuran ng swivel chair nito. Kapagkuwan, ay naupo roon. Bakas na bakas ang matinding stress at pagod sa gwapo nitong mukha. "Yeah. I know. Pero miss na miss na kita. What more kung umabot ka pa ng isang buwan diyan? Or, more?" Kahit ayaw ko, ay hindi ko napigilan ang pagsimangot sa huli kong sinabi. Limang araw pa lang mula nang umalis si Dos. Kaya naman limang araw na rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD