PARANG BIGLANG NAWALA ANG nararamdaman kong pagod, dahil sa katatapos lang na orgasmo. Parang bigla, ay napalitan iyon ng kaba, and at the same time, excitement. Pero medyo lumalamang nga lang ang takot. Kaagad na dumilat ang mga mata ko, at may pag-aalinlangan pa rin akong nag-angat ng tingin sa asawa ko. Niyuko naman ako nito, at saka nakangiting hinalikan sa noo. Bago pilyong kumindat sa akin. Napahinga na lamang ako ng malalim. Ibang klase talaga ang lalaking ito. Matapos ipakita ang respeto, sinundan naman kaagad ng kapilyuhan. Nag-iisa lang talaga ang isang Alejandro Montesilva II! Tss. Nakakinis naman kasi. Papaano ba kasi ang sinasabi nito, na sa loob ng aparador daw ako aangkinin? Kung bakit ba kasi ayaw pa nitong sabihin na lang sa akin kung ano ang ibig nitong sabihin

