"AKO NA LANG KASI. Kayang- kaya ko naman 'yan." "Tumatapon nga, Angel. Ako na lang." Nilingon ko Dos, at sinamaan ng tingin. "Eh, paanong hindi tatapon, eh nanggugulo ka riyan sa likod ko?" Kinagat nito ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagngisi. Narito kami sa kusina ng condo nito at naghahanda para magluto ng pancake, para sa aming almusal. Katulad ng pinag-usapan namin kagabi, maaga pa lang ay narito na ako sa condo niya. Nagdahilan na lamang ako kay Nanay na kailangan ko itong i-tutor ngayong maghapon, dahil finals na nito sa Lunes. Para 'ika ko, para naman sa pagrereview ko sa sarili ko namang aralin, ko naman iuukol ang araw ng Linggo. At nagpapasalamat ako na wala naman akong narinig na pagtutol mula kay Nanay. Ni hindi ito nagtanong. Para pa ngang inaasahan din nito an

