"YES!" Mahina lamang noong una. Halos hindi maglagos sa lalamunan ko ang iisang katagang salita na iyon. Dinadaig kasi ako ng labis na emosyon. Nanginginig ang mga labi ko. Naninikip ang dibdib ko sa labis na kaligayahan. Nang hindi ako nakuntento ay inulit ko pa iyon. Sa ikalawang pagkakataon ay mas malakas. Mas may diin. Nais kong iparating sa aking kaharap, at sa mga taong nakapaligid sa amin ang intensidad ng nag-iisang kataga na iyon. "YES! YES!" Sa kabila ng hindi maawat na pamamalisbis ng mga luha sa aking mga mata, ay mahina akong natawa nang mapasuntok pa si Dos sa hangin pagkasabi ko niyon. Na para bang ito ang unang beses na tinanong niya sa akin ang bagay na iyon, at hindi pa siya sigurado sa isasagot ko. Ipinaikot ko ang mga mata ko rito. Nakangising kinindatan naman ak

