3RD PERSON POV : "SIYA, SIGE, MAGKITA NA LAMANG TAYO ROON." Pagkasabi niyon ay pinutol na ni Senyor Alejandro ang tawag. Ang kanyang nag-iisang anak na si Alejandro Jr., o mas kinasanayan na sa tawag na Dos ang kanyang kausap sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapaniwala ang Senyor sa dahilan ng pagtawag ng anak. Ayon dito ay mag-aasawa na raw ito, at kaya tumawag ay para sabihin na mamamanhikan na sila ngayong gabi mismo, at nais nito na maitakda na ang kasal, sa lalong madaling panahon. Hindi na raw nito nais pang pakawalan ang kanyang nobya. Hanggang sa matapos ang tawag ay hinihintay niya pa rin na sabihin nito na hindi totoo ang sinabi, at nagbibiro lamang ito, ngunit hindi. Totoo ang ibinalita nito sa kanya. Talaga ngang nakahanda na ang kanyang kaisa-isang a

