Chapter 141.2.1

5000 Words

"PWEDE KO BANG malaman kung ano ang wish mo para sa birthday mo?" Pasimpleng tanong ko kay Thirdy habang pinakakain ko ito. Gusto ko sanang marinig mula rito mismo kung ano ang nais nitong matanggap sa kanyang kaarawan. Wala pa kasi akong nabibiling regalo ngayon para sa anak ko. Ang dami ko nang pinagpilian sa isip ko. Ilang online shop na rin ang sinilip ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naiisip. Nakakatawa nga. Kung kailan kasama ko na ito ay saka naman ako nahirapang mag-isip kung ano ang ireregalo ko rito. Ano nga ba naman kasi ang maaari kong ibigay sa isang bata na nasa kanya na ang halos lahat? Gusto ko sana iyong espesyal. Iyong matutuwa talaga ito. At hindi nito malilimutan. Pero ano nga iyon? Naalala ko tuloy noong graduation ni Dos ng senior high school. Hirap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD