Chapter 141.2

3906 Words

"CLOSE YOUR EYES, ANAK, and then, make a wish. . ." Ipinikit nga ni Thirdy ang kanyang mga mata, bilang pagsunod sa sinabi ni Dos na patiyad na nakaupo sa tabi nito. Nakapaikot ang isang braso nito sa likod ng anak, habang nakadantay naman sa may bandang sikmura ang isa pa. Sandaling tumahimik si Thirdy. Marahil ay upang taimtim na iusal ang kahilingan. Bago pagkatapos ay muling nagmulat, saka nangingislap ang mga mata na hinipan ang maliit na kulay asul na kandila sa ibabaw ng cake na hawak ko. "Yehey!!!" Sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga nasa likod ko. Kanya-kanya ring wika ng kani-kanilang mga pagbati. "Happy Birthday, Thirdy!" "Happy Birthday, Baby Boy!" Si Vance iyon. Sabay abot ng hawak na malaking regalo. Isa-isa nang naglalapitan ang mga ito sa may kaarawan. Nag-angat ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD