Chapter 141

2023 Words

"HAAAAAPPY BIRTHDAY, TO YOOOOOU . . ." sabay-sabay na pagtatapos namin ng kanta, na sinabayan pa ng marahang palakpak ng iba. Kahit pa sabihin na nasa lamay, lahat kami na nakapaligid ay pawang may matatamis na mga ngiti sa aming mga labi. Katabi ni Thirdy ang papa niya, na siyang nakaalalay dito. Hawak pa nito sa isang kamay ang panyo na ginamit sa pag-blindfold sa anak namin. Nasa harapan naman ako ng mga ito. Sa likod ko ay ang iilan na mga piling-pili na mga bisita. Ako ang may hawak ng cake. Hindi masasabing simple ang disenyo niyon, katulad ng nauna nang sinabi ni Dos sa akin nang banggitin nito na inatasan daw nito ang sekretarya nito para magpagawa ng 'simpleng' cake, bilang nasa lamay nga raw kami, para lang may mai-blow na kandila ang anak namin. Kung simple para sa mga ito a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD