Chapter 18

1121 Words

INILABAS KO MULA SA BAG KO ang cellphone na ipinahiram sa akin ni Dos upang silipin ang oras. Hindi ko na alam kung naka-ilang beses ko na iyong ginagawa mula pa kanina. Alas sais na, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang lalaki. Hanggang five thirty lang ang huli nilang klase. Dati-rati, bago pa man sumapit ang ganitong oras ay narito na iyon. Alam niya naman kasi na naghihintay ako sa kanya. Ngayon pa. Araw ng Biyernes. Pagkagaling dito ay dederetso pa kami sa tambayan nila dahil may schedule kami ngayon ng tutor niya. Kung maantala pa ito ng ilang minuto pa, masyado na kaming gagabihin nang tapos. Mabuti nga at pinayagan ako ni Nanay nang magpaalam ako na malilipat sa gabi ang oras ng tutor ko. Isang araw na lang sa isang linggo, 'ika ko, iyon nga lang, ay mula alas sais na, han

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD