"BALITA KO, IKINASAL NA RAW KAYO NI DOS?" Tumayo na ako, at akmang aalis na. Ako na lang ang pupunta sa kung saan man naroon si Dos para makauwi na kami. Nasisiguro ko na gulo ang hanap ng kaharap ko. At wala akong balak na patulan ang dalaga. Ngunit hindi pa man ako nakaka-dalawang hakbang ay muli na namang nagsalita ang babae. Wala akong ibang napagpilian kung hindi ang tumigil sa paghakbang nang iharang nito ang sarili sa daraanan ko. Matatalim ang mga matang tumingin ako sa mukha nito. Sa height kong 5'6 ay hindi naman halos kami nito nagkakalayo ng taas. Iyon nga lang mas mukha siyang matangkad dahil sa taas ng takong ng sapatos na suot niya. Samantalang ako ay naka-flat shoes. Mula nang malamam kong buntis ako ay itinabi ko na muna ang mga sapatos ko na may takong. Maliit man i

