"BAKIT DAW KAILANGAN NA IKAW PA ang magpunta roon? Hindi ba pwede na si Daddy Leandro na lang, o 'di kaya ay ang mga abogado? Bakit ikaw pa? Hindi ba nila naisip na buntis ako, at kailangan kita rito sa tabi ko?" Huminga si Dos ng malalim. Hindi malaman kung anong klaseng paliwanag ang ibibigay sa akin. Kanina pa kami nagpapaliwanagan nito. Mula pa lamang sa columbarium kahapon ay hindi ko na ito tinigilan hanggang hindi nito sinasabi sa akin kung ano ang napag-usapan nila ng abogado ng mama niya, kaya siya natagalan sa pagbalik. At nang sa wakas ay makulitan na ito sa akin, at magpasyang sabihin na, hindi ko naman alam kung paano magre-react. Ayokong umalis ito. Gusto ko, sa buong panahon ng pagbubuntis ko ay kasama ko ito. Iyon ang isang bagay na hindi nito nagawa habang ipinagbubun

