Chapter 145

2109 Words

MATAAS NA ANG ARAW nang magising ako kinabukasan. Hindi pa halos maidilat ang mga mata na kaagad na nilinga ko ang pwesto na tinulugan ng mag-ama ko nang nagdaang gabi, ngunit wala na roon ang dalawa. Bakante na ang malaking espasyo sa tabi ko. Mag-isa na lamang ako sa napakalaking kama ni Dos. Napakunot tuloy ang noo ko. Anong oras na ba? Masyado bang napasarap ang tulog ko, at hindi ko man lang namalayan na nagising na, at nakalabas na ng silid ang mag-ama ko? Bakit hindi man lang ako ginising ng mga ito? Lukot pa rin ang noo na bumaling ako sa kabilang bahagi ng kama upang lingunin naman ang digital watch sa ibabaw ng nightstand. Bahagya pang nanlaki ang kanina lang ay naniningkit pang mga mata ko nang makita ko mula roon ang oras. Parang biglang lumipad ang kanina lang ay kaunti pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD