PAGBUKAS PA LAMANG NI DOS ng pintuan ng opisina nito ay parang may mga spring sa pang-upo, na nagsitayuan na kaagad ang mga nilalang na nasa loob niyon. Maliban na lamang kay Daddy Leandro na siyang nakaupo ngayon sa likuran ng office table ni Dos. Gayon pa man, katulad ng mag-asawa, ay sa amim din nakatuon ang paningin nito. "Mrs. Montesilva. . . " bati kaagad sa akin ni Mrs. Ledesma habang mayroong alanganing ngiti sa mga labi. Damang-dama ko ang mabigat na tensyon na nakapatong sa mga balikat nito. Halata na ang inip sa anyo nito, bagaman pilit nito iyong itinatago. Kung kanina, dahil hindi ko naman ganap itong naharap, ay hindi ko napansin ang hitsura nito, ngayon ay kitang-kita ko na. Maganda ang ginang. Lalo na siguro noong kabataan nito. Kung pagmamasdan ng mabuti ay kahawig ni

